18 years old is the legal drinking age. Drink moderately.
Jun. 21, 2009
A Single Father
Kung ang isang mabuting ama ay yung:

*napapag-aral ka sa isang eksklusibong paaralan
*pwede mong gawing role model
*mahihingian mo ng payo base sa kanyang mga karanasan
*bibigyan ka ng engrandeng 18th birthday at siya yung first dance mo
*bibilihan ka ng mga mamahaling mga bagay para bida ka sa mga barkada mo
*maipagmamalaki mo sa ibang tao
*ipapasyal ka sa shushaling mall tuwing linggo pagkagaling nyo sa simbahan
*ibibili ka ng mga bagong mga gamit tuwing pasukan para ganado kang mag-aral


Siguro hindi mo matatawag na mabuting ama ang tatay ko
kasi ang ginagawa lang niya ay:


*ipaglaba ako ng damit kapag masyado akong busy sa pagaaral
*ihanap ako ng neon pink na cartolina kahit 11pm na ng gabi kasi kailangan ko yun sa susunod na araw
*umakyat sa puno para ipitas ako ng mangga kahit umuulan
*linisin ang bintilador ko kasi tinatamad ako
*hayaang sigawan ko siya pag mainit ang ulo ko
*magbike ng 5 kilometers papunta at pabalik araw araw sa gitna ng sikat ng araw para hatiran ako ng lunch kasi wala siyang pera na maibigay sakin para sa canteen na lang ako kumain
*iputol ako ng puno ng kawayan kahit magkasugat sugat pa ang kamay niya para gawin ang project ko sa Biology
*kalimutan ang sarili niyang kasiyahan at hindi na mag-asawa uli
*ipaglaban ako sa nanay ko kahit pwede naman na nya akong ipaubaya sa nanay ko at magbuhay binata ulit.

Hindi nga siguro.
Hindi lang siya mabuting ama dahil higit pa dun, ginampanan rin niya ang pagiging isang mabuting ina.


Papa, Happy Father's Day. Kung sakaling mauna akong mamaalam sayo, nawa'y ang enrty na ito ay mabasa mo para malaman mo na naappreciate ko ang mga efforts mo. Na kahit hindi mo mabigay ang mga materyal na bagay, lubos lubos pa dun ang naibibigay mo. Ang pagibig na katumbas ng pagibig ng dalawang tao.
Salamat po sa lahat. Patawad po kung madalas kitang masigawan.
Mahal po kita..




posted by PATISYAHU at 09:26 PM
Permalink | email this post | Hypothesis(3)
Jun. 21, 2009
The Reason
Nagbreak na sila A at B kagabi.

Hawak ni B ang mga pisngi ni A habang tinititigan siya..
A: Anong problema? May sasabihin ka ba?
B: (nakahawak pa din sa magkabilang pisngi niya at nakatitig sa singkit niyang mata..)
A: Ano magsalita ka, pagusapan natin dito hindi yung sa text ka nakikipagbreak.
B: (nakahawak pa din sa magkabilang pisngi niya at nakatitig sa singkit niyang mata..)
A: Ano ka ba, nasasaktan mo na ako. Kung ayaw mo, sabihin mo.
B: (nakahawak pa din sa magkabilang pisngi niya at nakatitig sa singkit niyang mata..)
A: Naghihintay ka na lang ba na makahanap ng ibang lalaki tapos pag nakahanap ka na saka mo ako iiwan?
B: (nakahawak pa din sa magkabilang pisngi niya at nakatitig sa singkit niyang mata..)
A: (umiiyak na) Kung ayaw mo sabihin mo na. Kakalimutan na lang kita hindi yung pinagmumuka mo akong tanga.
B: (nakahawak pa din sa magkabilang pisngi niya at nakatitig sa singkit niyang mata..)
A: (kinuha ang cellphone at tinanggal at sim) Sisirain ko na ang sim ko para hindi na kita makulit. Kakalimutin na kita. Buburahin na din kita sa friends ko sa friendster. Wala na tayong komunikasyon.

B: (umiiyak na kinuha ang sim at cellphone ni A)


Parehong humahagulgol na nag-agawan sila A at B sa sim a cellphone at sa huli ay sumuko na si B at sinira na ni A ang sim at tinapon sa bintana.

A: HUHUHUHUHUHUHUHU
B: huhuhuhuhuhuhuhu
A: HUHUHUHUHUHUHUHU
B: huhuhhuhuhuhuhuhu
A: Ok na ako, hindi kita makakalimutan. Nakakalungkot lang. Nakakamiss. Pero hindi ko makakalimutan yung mga pinagsamahan natin.

Tumayo si B at umakmang uuwi na.

A: Wag ka munang umuwi.
B: (umupo sa tabi ni A)
A: Ayaw mo na ba talaga?
B: (niyakap ng mahigpit si A at saka humagulgol)
A:
Kaya ko namang tiisin lahat e, may happy ending naman tayo di ba. Ako pa rin ba yung lalaki sa happy ending mo? Wag mo akong iwan. Kakayanin ko.
B: (niyakap ng mas mahigpit si A at saka mas humagulgol)
A: Huhulaan ko ang iniisip mo, akala mo kaya mong makipagbreak noh..
B: Ang galing mo talaga, kahit hindi ako magsalita alam mo kung ano yung iniisip ko.
I LOVE YOU.

A: I LOVE YOU TOO.

Naging sila A at B kagabi.



Because more than a lover you are a friend to me and I cant afford to loose a friend like you..
posted by PATISYAHU at 03:49 PM
Permalink | email this post | Hypothesis(2)
Jun. 7, 2009
A Different Girl
This is not who I was, I am a different girl now and I don't like what I had become.
 
But today is a new day and is also an oppurtunity to be better.

I have to realize that I can't be perfect.
I have to appreciate the people that cares for me better.
I have to learn to accept my mistakes.
I have to learn when to keep my mouth shut.

posted by PATISYAHU at 08:19 AM
Permalink | email this post | Hypothesis(2)
May. 16, 2009
Hahahappy Paula
Happy Paula is my new blog.. I think it has an awesome theme but I feel that something isn't right. Its probably because I still prefer this blog. And just like before, I am back here, blogging.

Sabi nga ni Gary V., "Kay tagal mo mang nawala, babalik ka rin. Babalik at babalik ka rin."

Dito na nga lang ako. Bakit pa kasi ako gumagawa ng blog sa iba, e dito na ako nagumpisa.

Aylabyu
Erlenmeyer Flask



posted by PATISYAHU at 05:44 PM
Permalink | email this post | Hypothesis(2)
May. 3, 2009
Blogger
Nahilo ulit ako nung sinubukan kong gumawa ng blog sa blogger. Ganitong ganito din yung naramdaman ko nung gumawa ako ng blog sa wordpress kaya eto ako, nagbblog sa rakista. XD

Malapit na yung birthday ni boypren, tinanong ko siya kung ano ang gusto niyang regalo. Ang sabi niya ay, "Mahalin mo ulit ako."

Huwaw! Natunaw ang puso ko at kinumbinse ko ang aking sarili na kalimutan ang mga nanggugulo at ituon ang puso sa kanya. Dahil nga iba siya. Dahil kung ibang lalaki ang boypren ko ngayon ay malamang nakipagbreak na yun o kaya ay niloko na ako dahil sobrang wala na akong oras makipagrelasyon dahil sa trabaho. Pero siya, naiintindihan niya ako at hindi niya ako niloloko.

Yun ang akala ko.. naisipan kong bisitahin ang friendster niya ngayong araw at ang tumambad sa akin ay isang mensahe mula kay "apol" at ang sabi ay ganito:


hehehe ..
ayan na add n uli kta ..
pinalitan ko n rin ung password ko ..
para ndi n mpakialaman ni mark ..
message n lan kita para ndi mabasa ng gf mo ..
hahaha ..
o baka alam nman nia ung password mo ..
patay tau jan ..
hahaha ..
ingat ikaw lage ..



Anak ng sweet potato. Nayari ako. Nanlalamig ang mukha ko..


Hindi ito ang unang pagkakataon na may kabulastugan siya sa friendster. Ang jologs niya. Pwede namang sa facebook. Eww.


Ang paliwanag ni bf:

Sabi niya ay iniba na nya ang password nya at baka magbura uli ng friend ung bf niya na si mark. At baka daw magalit ka kasi nagmsg siya.


Ano? Bibilhin ko ba 'to.

posted by PATISYAHU at 01:36 PM
Permalink | email this post | Hypothesis(2)
Apr. 29, 2009
Bulakenya
"Maynila, atin ito."- Lito Atienza

Sa itim, sa puti, sa Intsik, sa Koreano, sa mabuhok na Arabo, sa akin at sa iyo. Maynila. Mistulang puta na nagpapaangkin sa lahat. Putang dinuduraan at binabalahura.

Ibang ibang ang Maynilang nakikita ko sa likod ni Lito Atienza tuwing Sabado sa Maynilang nakakasalamuha ko sa araw araw. Mapanghi, madumi, malupit. Papaano mo masasabing maunlad ang isang bansa kung sa bawat sulok ng sentro nito ay talamak ang kahirapan. Kalunoslunos. Asan ang pagasenso kung ginagawang tulugan, kainan at palikuran ng mga mamamayan ang gilid ng mga naglalakihang gusali.

Maitim na usok ang bumabalot kaya papaanong matatanaw ang daan patungong kaunlaran?
Kawalan ng pagmamalasakit sa lupang sinilangan ay ang dahilan ng kawalan ng kinabukasan.

Ganid at pagkamakasarili na pinagtibay ng kahirapan. Ang mapagmataas na Maynila ang lalamon sa angkin mong pangunawa, hanggang sa wala ka na ring pakialam.. hanggang sa kampon ka na rin ni Maynila.

Mapangalipusta sa kadugo, makitid ang utak, matibay ang sikmura.







posted by PATISYAHU at 10:00 PM
Permalink | email this post | Hypothesis(1)
Apr. 25, 2009
So you want to be a Bird?



Pahintulutan man na magpadausdos sa mga ulap
Ay mas nanaisin pang manuod ng mga napapasong kulisap
Basta bawat saglit sa aking tabi ika'y nahahagilap

Pagkat gaano man katayog ang aking marating
Anong silbi nito kung wala ka sa aking piling
Aanhin ang malakas na hangin at magandang tanawin
Kung ang mga bisig mo ay wala upang ako ay yakapin



Naisulat ko ito habang nakatingin sa mga ulap noong first time kong nakasakay ng eroplano nung pumunta kami ng Davao..

Malungkot din pala sa itaas.
posted by PATISYAHU at 07:17 PM
Permalink | email this post | Hypothesis(0)
Apr. 25, 2009
LVs and Dirty Vans
Birthday nung pinakahead ng Technology group ng Land Bank ngayon pero kahapon yung celebration. Present sa nasabing celebration yung Head ng Land bank na si Ms. Gilda Pico. Wow, nastarstruck ako. Marami pang ibang dumating na nakaLouis Vuitton na bags. Nahiya tuloy kami ng maduming sapatos na suot ko.

Naisip ko. Magiging ganun din kaya ako sa future? Gusto ko bang maging ganun? Masaya kaya sila?

Bigla na lang akong nalungkot at tumungo habang pinaglalaruan ang maluwag na bracelet ko. Bigla ko na lang naramdaman na parang nagiisa ako at hindi masaya. At biglang ayoko na. Uuwi na ako.

Habang naglalakad ako mula Land Bank papuntang Pedro Gil Station at nakatingin sa mga makukulay na ilaw at mga taong naglalatag sa kalsada upang matulog ay nagmunimuni ako.

Dapat ba talagang nandito ako?

Parang gusto ko ng iba. Gusto kong maging parte sa pagbabago ng sistema. Gusto kong may alam din ako sa mga nangyayari.

Naisip ko. Matagal ko na palang hindi napipiga yung utak ko. Kelangan ko ng bagong pagkakaabalahan para hindi na ako masyadong maraming naiisip.



XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

Gumagawa ako ng ibang blog pero nahilo lang ako. Grrr. Nothing beats rakista blogs. Kahit inabandona na siya ni Ridz.. XD

posted by PATISYAHU at 01:00 PM
Permalink | email this post | Hypothesis(0)