Kung ang isang mabuting ama ay yung:
*napapag-aral ka sa isang eksklusibong paaralan
*pwede mong gawing role model
*mahihingian mo ng payo base sa kanyang mga karanasan
*bibigyan ka ng engrandeng 18th birthday at siya yung first dance mo
*bibilihan ka ng mga mamahaling mga bagay para bida ka sa mga barkada mo
*maipagmamalaki mo sa ibang tao
*ipapasyal ka sa shushaling mall tuwing linggo pagkagaling nyo sa simbahan
*ibibili ka ng mga bagong mga gamit tuwing pasukan para ganado kang mag-aral
Siguro hindi mo matatawag na mabuting ama ang tatay ko
kasi ang ginagawa lang niya ay:
*ipaglaba ako ng damit kapag masyado akong busy sa pagaaral
*ihanap ako ng neon pink na cartolina kahit 11pm na ng gabi kasi kailangan ko yun sa susunod na araw
*umakyat sa puno para ipitas ako ng mangga kahit umuulan
*linisin ang bintilador ko kasi tinatamad ako
*hayaang sigawan ko siya pag mainit ang ulo ko
*magbike ng 5 kilometers papunta at pabalik araw araw sa gitna ng sikat ng araw para hatiran ako ng lunch kasi wala siyang pera na maibigay sakin para sa canteen na lang ako kumain
*iputol ako ng puno ng kawayan kahit magkasugat sugat pa ang kamay niya para gawin ang project ko sa Biology
*kalimutan ang sarili niyang kasiyahan at hindi na mag-asawa uli
*ipaglaban ako sa nanay ko kahit pwede naman na nya akong ipaubaya sa nanay ko at magbuhay binata ulit.
Hindi nga siguro.
Hindi lang siya mabuting ama dahil higit pa dun, ginampanan rin niya ang pagiging isang mabuting ina.
Papa, Happy Father's Day. Kung sakaling mauna akong mamaalam sayo, nawa'y ang enrty na ito ay mabasa mo para malaman mo na naappreciate ko ang mga efforts mo. Na kahit hindi mo mabigay ang mga materyal na bagay, lubos lubos pa dun ang naibibigay mo. Ang pagibig na katumbas ng pagibig ng dalawang tao.
Salamat po sa lahat. Patawad po kung madalas kitang masigawan.
Mahal po kita..






