Tue 23 Mar 2010 - wat?
Damn. Kelangan ko pa bang magsulat tungkol dito.
Well, my mood's not pretty good, adn I'm havign a bad time at this moment because this thought just can't escape my damn mind.
I got fat!
I was happy.. back when I was thinner.. before this.. about 2 years ago. Shit! Dat pala di na lang ako nagkakain. Now I don't feel good. I don't look good. And hell, I think I dont even look presentable. I look like a plain ol' couch potato. I feel bad. I feel really, really bad. I feel confused.
Gusto kong madepress ulit. Ngayon ko na-feel ulit na gusto kong magdroga just to drop everything! Damn!
|
|
Comments (0) :: Post A Comment! :: Permanent Link
|
Mon 22 Feb 2010 - Online families
Ola kasi ako magawa.
I visited my old forums -- CLICK -- pero parang too late na naman ako. The forums were dead a long time ago. Sayang. Babalikan ko na sana yung dati kong grupo. Anyway, gusto ko kasing magtype nang magtype ngayon. And I miss Linkin Park. I just downloaded Download to Donate: For Haiti *haha wala nga lang akong pangdonate* and damn was there one of the most beautiful Linkin Park songs I ever heard. Di ko na lang sasabihin kung ano, magdownload na lang kayo dito.
OUT.
|
|
Comments (1) :: Post A Comment! :: Permanent Link
|
Sun 21 Feb 2010 - Edited: Paglalagay ng title
♫ Himala / Kasalanan bang / humingi ako sa langit ng / isang himala ♫
Wala lang, narinig ko lang yan sa TV. Haha. Hinde, di ko lang kasi alam kung anong buhay talaga meron ako.
QUESTION OF THE DAY: How annoying is your mother? Rate it from 1 to 10, with 10 being the most annoying.
Ayos! La lang. Naisip ko lang din yan. Sagot kayo ah.
Bale, lilipat na ko ng eskwelahan. Sa wakas. Ayoko na dun sa maraming sosyaling babae at medyo may pagkabading na mga lalake na walang inatupag, although matatalino nga sila, kundi magpaganda't magpagwapo. Ayoko na dun sa lugar na ang bigat ng pakiramdam kapag di ka nakapag-ayos. Haha, hulaan niyo na lang kung saang unibersidad yung tinutukoy ko.
Natugtog na rin ako ulit ng keys. Saya. Sarap. Aaraw-arawin ko na lang.
|
|
Comments (0) :: Post A Comment! :: Permanent Link
|
Sat 30 Jan 2010 - Muka ko
Ako KSP. Alam ko naman yon.
Kayo ba naranasan niyo na? Yung maghahangad ka ng atensyon up to some extent, mula sa isang tao, pero di mabigay sayo? Ang hirap, ang bigat ng pakiramdam. Ang sikip, ang labo ng hinanakit na hindi mo maintindihan kung kanino mo isisisi. Kung kanino ka magagalit. Kung ano gagawin mo. Kung kanino ka pa manghihingi ng atensyon.
Sana nga may diperensya na lang ako sa pag-iisip, kesa ipamuka sakin na "sana naman tumino ako, gamit ko kokote ko".
Alam mo yun? Alam kong mali ako, pero mas madaling tanggapin na sadya palang may diperensya ako sa pag-iisip at di ako mali. Labo.
|
|
Comments (0) :: Post A Comment! :: Permanent Link
|
Tue 19 Jan 2010 - Comments, girls?
Kakatapos lang namin mag-usap sa celphone. Di ko na naman maintindihan nararamdaman ko.
Sa mga kasing-edad ko na lang siguro, mga edad disi-syete hanggang disi-nwebe:
Naranasan niyo na ba na kelangan magkaroon ng sudden shift sa mundong ginagalawan niyo? Yung parang "You have to change"? Para bang lahat ng tao sa paligid mo ganun ang demand sayo.
Di mo ba na-feel na para kang batang walang muwang, at yung current actions mo parang left out? O kaya para kang takas sa mental, na walang kaalam-alam?
Girl, ok lang ba sayong yung lalake ang magsabi sayo ng mga bagay na kelangan mong i-improve kahit umabot siya dun sa mga bagay na hindi na siya sakop?
Ewan ko. Di masama loob ko, pero tumutulo luha ko. Iyakin akong sadya, pero kelangan ko rin bang baguhin yon para lang matawag na mature? Di masama loob ko, nahiya lang siguro at nasaktan.
|
|
Comments (1) :: Post A Comment! :: Permanent Link
|
Sat 19 Dec 2009 - Zai
And Jerome Zai was his name,
A not so very ordinary boy or name.
But who's to blame?
For a love that wouldn't bloom
For the hearts that never played in tune.
Like a lovely melody that everyone can sing,
Take away the words that rhyme it doesn't mean a thing.
And Jerome Zai was his name.
We tripped the light and danced together to the moon,
But where was June.
No it never came around.
If it did it never made a sound,
Maybe I was absent or was listening too fast,
Catching all the words, but then the meaning going past,
But God I miss the boy,
And I'd go a thousand times around the world just to be
Closer to him than to me.
And Jerome Zai was his name,
I've always known him, and I love him just the same,
I love his name.
Wish that I had found the way
And the reasons that would make him stay.
I have learned to lead a life apart from all the rest.
If I can't have the one I want, I'll do without the best.
But how I miss the boy
And I'd go a million times around the world just to say
He had been mine for always
|
|
Comments (1) :: Post A Comment! :: Permanent Link
|
Mon 16 Nov 2009 - Morning Cold
Bakit ang hirap mag-aral sa kolehiyo?
Nakakatawa.. Nung nasa elemetarya at hayskul pa lang, 75 pa ang passing, at di man lang ako nagkaroon ng line of 7. Ngayong 70 o 60 na lang, ni di ko makuha.
San ba talaga ko pupunta?
Bakit ang hirap mag-aral?
Ang hirap mag-aral, kung yung mga taong naniniwala sayo naniniwala lang pala dahil akala nila magaling ka. Pag pumalpak na, may halo nang pagdududa.
Mahirap mag-aral dahil di mo mahal yung pinag-aaralan mo. Ni di mo maintindihan. Nakaabot nga ako sa pangatlong taon ko sa kolehiyo, pero ni minsan di ko na ulit naramdaman yung pakiramdam ng pagiging malaya sa lahat ng kaalamang pumapasok sa kokote ko.
Hindi. Di na sila naniniwala saken.
Mas mamabutihin ko ngayong huminto na lang, tutal wala naman talaga kong nararating. O mararating. Ni hindi ko alam.
San ba ko magaling? Nagsusulat ako, dakila kong musika. Ang kompyuter ko, nakasira lang saken. Isang adiksyon sa laro, di madaling matanggal, pero yun lang ang naging silbi ng kompyuter sa buhay ko. Ni hindi ako makapag-aral.
Kung kaya ng iba, kakayanin ko rin. Gaano kalaking bagay ba ang hindi makatapos sa pag-aaral? Sabi nila walang patutunguhan. Ngunit mas wala kong maramdaman ngayon. Ito, di ko to ginagawa para sa sarili ko. Di ko to gusto, di maramdaman sa puso ko. Di ako para dito. May nakapagsabing mahirap gumawa ng bagay na di mo gusto. Ano pang point sa paggawa mo nito?
Sa ngayon, mas gusto ko pang kumuha ng mga disenteng summer job kesa ipilit ang sarili ko papunta sa landas na di ko alam.
|
|
Comments (0) :: Post A Comment! :: Permanent Link
|
Thu 10 Sep 2009 - Pakmi
Things just won't always turn out right.
Eto na naman ako, nagsusulat, naglalabas kung ano man ang nasa isip ko't damdamin na di ko mawaring maitago pa rin kahit dati ko nang gawi. Nakaupo na naman ako sa harapan ng aming kompyuter na tila ba walang kapag-a-pag-asang maintindihan pa ang susunod na hakbang na dapat tahakin patungo sa kunsaan mang destinasyong di ko rin alam. Gusto kong magkape, pero hindi na naman ako makakatulog at maiiwan na namang nakatulala sa kisame ng aming kwarto habang pinipilit tunawin sa aking utak ang mga pag-iisip na para bang sadyang ayaw umalis. Pero dulo ng problema ko: Oo, insecure ako.
Speaking of "coffee", naaalala ko ang isang taong, hay, parang napakalapit sa lahat ng tao. She became very good friends with people with whom I only became acquaintances. She was the very image of who I dreamed to be, but I couldn't. Not capable? Or rather, napipigilan..?
Eto ang alam ko, eto ang isusulat ko. I've heard someone say, "If you really are a good writer, write what you know." Damn how I want to be good. I want to be praised, I hunger for acknowledgment. I want to feel how my friends will call me special, someone they're longing to meet and to be with. Isang taong masasabi rin nilang, "Oy, masarap kasama 'to. 'Tong taong 'to kahit di ko pa namimeet masarap kasama o kakwentuhan." Someone they will call one of their most sensible friends. God, how I thirst for that. Mahirap, at masakit isipin na kaya ganun, I'm not that kind of person, and that I don't have the capacity to be like that.
OA na kung OA. Drama queen? Pero ayokong tawanan sarili ko. I've never felt so down like this in my entire life. Mas lalo pang lumala nung binisita ko ulit yung site, yung forum.
To a certain someone, alam ko mababasa mo 'to. Eto na marahil ang pinakamatino at pinakamalinaw saken na maidadahilan ko sa'yo kung bakit gusto kong mapag-isa. I want to be better.
|
|
Comments (0) :: Post A Comment! :: Permanent Link
|
Sun 8 Mar 2009 - Sarili, pagkilala. Edukasyon, pagdadalamhati.
Marami akong gustong gawin. Gusto kong maging pianista, sumali sa isang banda. Tumugtog. Humawak at mag-aral maggitara. KUMANTA. Ibahagi sa iba ang aking mga ideya. Magpakatotoo sa harap ng madla. Maging malaya. At sinasabi ko ang kalayaang ito hindi batay sa paglabag sa pangkalahatang batas ng kalangitan, ngunit sa konteksto ng pagiging kontento at masaya ng aking pagkatao.
May kilala akong estudyante-aktibista. Marami akong kakilalang magaling magpahayag gamit ang mga sining at talento sa pagsulat. Ganado sila, at kahit kailan hindi ko pa nakitang nagpamalas ng ni katiting na pagkasawa sa nakaugalian nang mga gawain. Patuloy lang. Dito ko napatunayan na sadyang mahalaga ang pagmamahal sa gawain. Maihahalintulad ito sa isang namumuong relasyon na nangangailangan ng siguradong pagkomit sa anumang gawain na pasukin. At dito rin namamalagi ang aking pagdadalamhati.
Ni minsan hindi ko pa naramdaman sa aking kalooban na talagang bukal ito sa daanang kasalukuyan nitong tinatahak. Napakarami nang beses na naisip ko, "Gusto ko munang ayusin sarili ko bago 'ko gumawa ng mga bagay para sa'nyo!" Ngunit kahit gaano ko man pilitin, sadyang nananatili sa paligid ng aking isipan ang mga responsibilidad na pilit ipinapatong sa akin. Mga bagay na ang itinuturo na lamang na dahilan ay para rin naman sa akin kaya napapadali ang paghikayat nila na aking tuparin.
Kulungan nga ba ito? O hindi lang talaga mabuksan ang isipan ko na tanggapin kung anong meron ako?
Makabubuti nga ba ito? O pagtapos nito ay habambuhay ko lang pagsisisihan at pagluluksaan ang dapat sana'y ibang landas na tinahak ko?
|
|
Comments (0) :: Post A Comment! :: Permanent Link
|
Mon 24 Nov 2008 - BLOGGERS FAKERS
im getting out of control. i cant even control how i spend money.
just went to starbucks earlier this afternoon. nilibre ko pa kaklase ko. ang deal kase, libre nia ko tatlong isaw tas libre ko siya starbucks. and of course, hell, she bit it.
it was my reputation. i used to treat my classmates back in high school. "was." "used to." that was before.
no im not rich. in fact i want to really learn how it feels like to strive just to save. and i swear, i will never again spend my money if it's not for Pawpaw. nahihiya ako sa kanya..
okay, enough of the money talk. right now.. well.. three hours ago i was thinking if i would sleep already. but then the demonic DVDs were looking at me as if they were saying "hey, come watch me!" baket ba laging yung bawal yun nananalo?
how do i feel right now? i regret it.. the money and the time.. and i again blame it on my bad "wake up" this morning. it always feels better.
but then again, i have to change myself. that's what always feels best.
the catch? i have NO idea where to start.
|
|
Comments (0) :: Post A Comment! :: Permanent Link
|
|
About Me
« September 2010 »
| Mon | Tue | Wed | Thu | Fri | Sat | Sun | | | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 |
| 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 |
| 13 | 14 | 15 | 16 | 17 | 18 | 19 |
| 20 | 21 | 22 | 23 | 24 | 25 | 26 |
| 27 | 28 | 29 | 30 | |
Friends
• yummydingding • Riean • littlecut • chimpot • nHeL
|