18 years old is the legal drinking age. Drink moderately.

Amoy usok, amoy pawis!

25 July 2009 ,10:21 PM (0) Comments | email this post
Bakit ang init? Naligo naman ako (kaninang umaga)! Totoo ngang dapat dalawang beses naliligo sa isang araw ang mga tao sa Pilipinas. Ang lagkit ko na. Sabi nga ni Angel Locsin, "Ligo lang? Kulang!" Dapat ligo taymis two! ligo ka ng ligo ka ng ligo ka ng ligo. HAHA BOO!

Parang katulad sa SM Fairview. "Annex lang? Kulang!" Dapat annex taymis two! Annex na annex! AHAHA. ang kulit ko.

Pumunta kami ngayon sa hindi ko alam kung saan basta doon sa pagitan ng araneta at quezon ave. Ininterview namin 'yung mayari ng company na gagawan namin ng automated billing system. Okay lang naman ang kinahantungan namin (sa tingin ko), at nagpakamature naman kami sa abot ng aming makakaya. Pero narealize ko lang na sobrang importante na talaga ng pagpapakapropesyunal / pagpapakadalaga sa edad kong ito haha.

"Third year na kayo. You still have no sense of professionalism. Wala ba kayong P.D. (personality development) subject? I.T. kayo diba? Makakarating 'to sa i.t. department." Sabi ng professor ko sa labor law. Arouch naman!

-hmm. okay? May point siya. Tama ba naman kasi ang magpasak ng tissue sa ilong habang nagkklase si ma'am, at tama rin bang huwag siyang batiin kapag pumapasok na siya sa classroom? Mali 'yon. AHAHA. Pero kasalanan ko ba kung late bloomers kami? At kasalanan rin ba namin kung wala kaming P.D. class at hindi kami naturuan ng tama? AHAHA. Nagdahilan pa!

Pero hindi na ako papalag, tama siya. Dapat na kaming magpaka... TINO.

Bumili pala ako ng "Stainless Longganisa" ni Bob Ong. Baka sakaling maengganyo akong muli sa pagsusulat, o kabaligtaran. May matutunan kaya ako dito? Makita ko kaya ang sense of professionalism dito? Bahala na. Basta nalagasan ako ng 150 pesos kahit walang kasiguraduhang may mapapala ako. Oh yes, carefree life. HAHAHAHAHA.

Saan ba nakakabili ng "Sense of Professionalism"? May libro na bang naisulat doon? Dapat ba hindi pinapapawisan at nauusukan ang may sense of professionalism? Sinong makakapagbigay ng tips diyan?! AHAHA. Ayoko na nga, baka kasuhan na ako ng professor ko. article 2010 section 103 of the 19something constitution of the Pilipayns.

Hallelujah! Isa akong patapon sa Pilipinas. Sue me. xD

Add Comment
Comments: