TIME'S UP
49 TIPS PARA MAKIPAGBATI SA BF NA NASA MALAYONG LUGAR:
Dahil sa hindi mo siya pwedeng puntahan, eto ang mga dapat mong gawin...- Magsorry ng magsorry.
- Mag-explain.
- Mangulit na patawarin ka na.
- Magpatawa.
- Mag galit-galitan din.
- Mag asta na walang pakialam.
- Magpacute.
- Magsend ng maling text message sa kanya, in short, magpapansin.
- Mang-aning ng ibang tao.
- Maglaba ng damit habang nag-iisip ng maganda at epektibong eksplanasyon.
- Magcomment sa FS Account niya ng "I'm sorry" at "I Miss You"
- Kumain ng kanin at walang ulam.. (dahil sa sobra kong pag-iisip, nakalimutan kong mag-ulam kaninang lunch..)
- Maghintay ng ice cream pang paalis init ng ulo dahil hanggang ngayon di ka pa rin pinapansin.
- Mag-isip ng posibilidad ng hiwalayan.
- Tanggalin sa utak ang salitang "hiwalayan".
- Tiisin na hindi magload at mangulit.
- Magloload at magmissed call sa kanya.
- Isiping hindi dapat nagmimissed call.
- Hayaan siyang makapag-isip.
- Huwag madaliin ang kanyang pag-iisip, maghintay ng 2 hours.
- Huwag sumabay sa init ng ulo niya.
- Mangumusta ulit sa text.
- Huwag tawagan pag nasa trabaho, mapapagalitan siya ng boss niya at sisisihin ka dahil makulit ka.. madadagdagan ang atraso mo.
- Maghanap ng kaibigan na pwedeng kwentuhan ng pag-aaway ninyo.
- Magdasal na "sana po hindi na siya galit.."
- Magrelaks muna.
- Huwag isiping malaki ang problema ninyo, isiping may solusyon lagi ang problema.
- Magtiwala sa pagmamahalan ninyo. (naks! eto lang yata ang seryoso!! hehehe)
- Huwag kalimutang ipaalam sa kanya kung gaano mo siya kamahal kahit na galit siya.
- Huwag mapagod magsorry kahit hindi ikaw ang may kasalanan.
- Magsulat ng tips para sa pakikipagbati sa BF na nasa malayong lugar.
- Isipin ng mabuti kung epektibo ang mga tips na isinulat.
- Maligo dahil nakakawala ito ng stress na nararamdaman galing sa LQ.
- Magpicture-picture, yung pa-cute.(para remembrance)
- Mag-isip ng magandang peace offering.
- Ulitin ang numbers 1 at 3.
- Kapag masungit pa rin, tawagan mo.
- Magdasal na sana sagutin ang tawag mo.
- Magpasalamat dahil sinagot niya ang tawag mo.
- Kausapin ng mahinahon.
- Ulitin ang number 36.
- Hayaan siyang sermonan ka.
- Huwag kalimutan ang magcharge dahil baka maputol bigla yung tawag ninyo, sayang sa load.
- Magdrama.
- Ulitin ang number 2.
- Sabihing mahal mo siya.
- Ulitin ang number 25 ng sampung beses.
- Hintayin ang sagot niya sa number 46.
- Samahan ng Ama Namin ang number 47.
P.S.
hindi ko alam kung epektibo eto sa inyo, kasi hindi ko pa natatapos gawin kasi nasa trabaho pa siya.. (see Tip 23.)
-tiNtiN




