Aug. 28, 2010 - Rapsa
Posted by Vickturr
Sarap talaga ng anim na oras na petiks sa pagitan ng klase. Minsan pagkatapos mo maghintay ng anim na oras biglang di darating yung prof para sa klase na yon.
Relak na relak itong term na to, pinaka problema ko lang dito sa term na to yung "pumapagibig" :))
Kanina, me klase ako na 7:30am dapat ang start kaso nagising ako mga 7:40 na, di pa ako gumising agad, medyo puyat kasi nag DoTa pa kami kinagabihan. Dumating ako sa Mapua magaalas-diyes na, sakto wala palang prof. Rapsa eh, tengga naman dito sa tambayan, natutulog nga dalawang kasama ko dito nahilik pa nga eh haha.
Sarap pa ng schedule ko kasi pare pareho kami ng mga kaibigan ko, 12nn natatapos yung unang klase tapos tambay na yan hanggang alas-sais ng hapon para sa susunod na klase. Napapadalas na nga yung kain namin sa Mang Inasal. Nawawalan na ko ng pagasang pumayat dahi don haha. Tapos kahapon meron kami nadiskubreng malupit na restaurant na malapit lang din sa Mang Inasal, along Jupiter.
Chicboy yung ngalan ng restaurant, parang Mang Inasal din, unlimited rice, meron din chicken oil. Pero ang gusto ko dun sa Chicboy, andami nilang pagpipilian, na di tulad sa Mang Inasal, kung di ka magmamanok eh pork bbq lang ang kahahantungan mo. Meron silang Inihaw na Liempo, Chicken Inasal, Cebu Lechon, basta marami, tapos yung mga nabanggit ko pa unlimited rice lahat, except sa ibang putahe nila. Tapos ang okay pa dun add 25 pesos ka tapos bottomless iced tea na din, bubusugin ka talaga eh. Papatayin ka sa cholesterol at diabetes. Gulat nga ako nung binigay na yung order ng kasam ko na cebu lechon, p*tangina andame! As in makakailang kanin ka talaga. Hindi yung lechon na kayang kaya mong bilangan yung piraso sa daliri mo.
Ang okay din dun sa Chicboy, meron silang Garlic flakes na pwede mo ibudbod sa kanina mo para instant sinangag na kinakain mo hehe, eh mahilig pa naman ako sa bawang. Tapos ang the best talaga dun sa lugar na yun ay yung pagka sarap sarap na sabaw nila wooohoooo! Sa Mang Inasal, parang kinatas na kilikili ng trabahador yung sabaw sa sobrang asim eh. Dun sa Chicboy, masarap talaga, yung sabaw ng batchoy gamit, yung pinagkuluan ng isaw ng baboy tapos hinaluan nalang, p*tangina talaga ang sarap eh. Importante pa naman sakin ang sabaw, dun nakasalalay kung marami ka kakainin o hindi eh. Nakailang tawag ako ng sabaw sa waiter, pagkat napakasarap talaga ng sabaw, yun tipo ng sabaw na matatagpuan mo lang sa mga malulupit na carinderia.
Anyway, ayun after ng kainan, balik na sa Mapua, hintay ng alas tres ng hapon kasi dun na natatapos ang klase ni Katolika, tapos tambay na tapos kukwentuhan nya ko tungkol sa natitipuhan nya, P*TANGINA TALAGA! After nun uwi, minsan kasabay si Lhuiller, kulang nalang syotain nya na ako t*nginang yan eh hahaha.
Sige paalam na, nagpapalipas lang ng oras, Chicha na mamaya wooohoooo!
|
|
Comments (0) :: Piss A Comment! :: Permanent Link
|
Aug. 24, 2010 - 2 days after my last day..
Posted by khai
yeah.
its been 2 days now..bukas kukunin ko na yung letter para sa intro ko sa southmall..at bago ako tuluyang lumipat may mga tao lang akong dapat pasalamatan sa dasma..
To Sir Randy aka Sergio Santibanez
Salamat Sir sa lahat. Kahit na sobrang pinasasakit ko ang ulo nyo during those times na sa department nyo pa ako nag stay. Masaya po ako dahil sa kaunting panahon po na nakasama ko kayo madami po akong natutunan.
Sir Jo,Sir Ogie
Salamat po sa pagtulong sa akin sa mga bagay na di ko po alam at salamat din po sa pagpapasensiya..Sayang fishball na nga lang kaya kong ipanlibre wala pa po kayo haha..
Kay Raymond at Ariel
Salamat kahit pinahirapan ko kayo nung time ng bilangan ng items na hawak ko.. :D
Sa Opening at Midshifters (TFY,Owen,v-tech,prokids,looneytunes,ai-non,evenflo,pigeon,precious)
Kung may nakalimutan ako,pasensiya na pero salamat dahil kahit bago ako maganda pa din yung pakikisama nyo sa akin.
Sa Closing (Chicco,Avent,Bedtime,Farlin,Disney,Sesame, at kay Joy)
Sobrang saya ko na kayo yung naka shift ko,kasi nawawala yung pagod ko tuwing breaktime..nakakawala ng stress haha..sobrang salamat sa mga payo nyo guys lalo na kay ate cora na naiyakan ko pa dahil sobrang pressure na naramdaman ko nun..Next time di lang talong na may bagoong at tahong at hindi lang fishball ang kakainin natin..Love you guys sobrang mamimiss ko kayo..
I maybe one ordinary acquaintance,pero sobrang saya ko na kahit first time ko sa field na ganito,naramdaman ko yung existence ko sa warm ng pakikisama nyo..Sana kung meron pang pagkakataon maka trabaho ko ulit kayo.
Sobrang THANK YOU SO SO SO SO.. (i miss you disney.haha..)
Eto po yung number ko: 09326156817 txt txt na lang po tayo..
See Yah Baby Company Dasmarinas,I'll absolutely miss y'all
|
|
Comments (0) :: Piss A Comment! :: Permanent Link
|
Aug. 8, 2010 - Nostalgia
Posted by Vickturr
Nostalgia. A bittersweet longing for the past. Nostalgia hit me when I saw some Haruki Murakami novels at National bookstore today.
I read one of his novel titled "Norwegian Wood". It's a story is about a typical japanese college guy who falls in love with a sick girl. A nice, dreamy book wherein the story slowly, slowly, slowly unfolds itself to the reader. The story has such a slow pace that it is relaxing rather than boring.
That book was lent to me by my past love interest. She said that I should read the book. I read the book with gusto, finishing it in a couple of days. I would read the book from 9 am to 5 pm non-stop.
Obviously, the zeal with which I read the book came from the feeling I had for her back then. I could actually relate to the boy in the book. The love that he gave to her and how in the end, nothing could save his love for her.
Yeah, random emo rants. I was standing at National Bookstore, and then it hit me. The days when I was crazily in love with her, reading the book while thinking of her, reading the book and seeing myself in the protagonist. Having conversations about the book with her and how the author of the book is awesome.
I thought of buying the book, but it was quite expensive and I could request her sister to lend it to me. I really want to read it again and experience the dreamy, hazy setting of the story. I just bought J.D. Salinger's "The Catcher In The Rye" and yeah, Haruki Murakami's "A Wild Sheep Chase".
Nostalgia is such a bitch.
|
|
Comments (0) :: Piss A Comment! :: Permanent Link
|
Aug. 2, 2010 - may trabaho na ako :D
Posted by khai
salamat,dyusko..
sa lahat ng hirap,grabe
dapat dati ko pa pinost toh eh,kaso ngaun ko lng naalala haha..pagkatapos ng tempo ko sa sm dasma,ililipat din ako sa southmall,sayang nga lang mas mapapalapit sana ako sa house nila jay kung sa dasma ako..pero ok lang kasi kung sa southmall ako mlapit naman ako sa bahay ng aking bespren na c joyz..
oha oha.
kaso medyo magtitipid na ako ngaun..kailangan mag ipon para sa future :D
|
|
Comments (0) :: Piss A Comment! :: Permanent Link
|
Jul. 25, 2010 - Maliit na Mundo
Posted by Athrium
Heto ulit ako, at mukhang may ia-update. Nakaupong nakaharap sa PC, pero ang upuan nasa direksyon ng t.v. Ang keyboard, nasa lap, nakataas ang paa sa isang maliit na upuan, nanunuod ng hindi maintindihang palabas sa Star World. Palingalinga sa monitor at baka mali-mali na ang nai-type. nakikinig sa bagong naidownload na kanta -- soundtrack ng Glee. Tawag ko dito, multi-tasking, pambihirang multi-tasking. Umpisa na akong mag-isip ng ilalathala.
Hindi ako ayos ngayong araw, hindi pa rin nawwala ang sipon ko. Asar naman!! Dahiol din naman sa katigasan ng ulo, hindi nagpapayong. Haha!! Naasar na ako sa pamangkin kong mukhang kano. Sa tuwing magpupunas ako ng bagong hugas na mga kubyertos, nakikialam. Minsan pa'y nakabasag ng pinggan, aba'y buti napigilan ko't baka ako pa may kasalanan kapag nadisgrasya. Habang lumalaki, nagiging magulo. Ganun nga ang bata... batang tianak.
Isang linggo na lang, matatapos na ulit ang isang buwan. Hindi pa rin ako makagawa ng hakbang para makapaghanap ng trabaho. Ang daming job hirings sa MB. Kung meron lang sana akong matutuluyang kakilala sa mga lugar na nakasaad duon, walang problema iyon sa akin.Mabuti pa nga ang bi ep ko't madali lang makapaghanap ng malilipatang trabaho sa kanila. Nakakainggit naman. Mabigyan lang ako ng pagkakataon, hindi ko iyon papalampasin.
Nakakaya ko na rin siyang balewalain. Sabi ko naman sau Ap, wala kang tiwala sa sarili mo. Sa sobrang sakit na naramdaman ko sa kanya nuon, mga iyak na hindi ko namang masasabing nasayang dahil sa naaawa ako sa sarili ko, natututo na rin akong magtimpi ng higit pa sa pagkakaalam kong kaya ko.Madalas, dati, nagse-self pity ako dahil nababalewala na ako sa kanya, pero ngayon, bihira nalang. Nakalimutan kong may sariling mundo pa rin pala akong ginagalawan at napapabayaan ko na.
Napakaraming problema talgang dumadating sa isang tao, totoo ito. Walang taong walang pinoproblema. Pero hindi na pwedeng iasa ko sa iba ang dapat kong gawin. Sari-saring problemang naririnig ko sa iba't ibang tao, nababahala ako sa mga pinoproblema nila... maliit man o malaki. Pakiramdam ko, parang responsibilidad kong tapusin o lunasan ang lahat ng iyon. Pero mali pala. HIndi ako si Wonder Woman. May sarili din akong problemang dapat tutukan. Kapag ako, nagsasabi ng probelma, nakikinig lang sila. Walang matinong sagot o payo kahit solusyong pwedeng sabihin kundi kalokohan. Pakiwari ko, masaya pa ata silang kahit ako ay may dinadalang problema. Interesado silang malaman ang problema ko, pero hindi sila interesadong magbigay ng matinong payo. Haynako!! Simula ngayon, wala na akong pakialam!!! May mga taong sadyang manggagamit para alng sa pansariling kasiyahan. Pero napakaramot aman kung tutuusin.
Binuksan ko isa-isa ang mga blog pages ko kanina, halos ayoko nang basahin ang ilan. Ayoko nang maibalik pa kahit sa konting alaala ang mga napagdaan ko nuon na masakit para sa akin. Tapos na iyon, ayoko nang lingunin pa. Heto ulit ako, kahit sa kabila ng wala pa ring trabaho, pimipilit maigng okey at may pag-asa pang mapabuti ang buhay ko. Masyadong maikli ang buhay.
|
|
Comments (0) :: Piss A Comment! :: Permanent Link
|
Jul. 21, 2010 - teddy is dead :(
Posted by khai
kaninang hapon pumunta ako sa veterinary kasi sobrang mahina na talaga si teddy.ilang days na siya may sipon at ilang days na din di kumakain ng madami.pagdating namin sa veterinary,sabi nung doktora na tumingin sa kanya,need lang daw pakainin ng gerber (baby food,using syringe kasi di talaga siya kumakain pero nakakainom naman ng tubig) saka yung binigay nyang gamot para sa sipon nung rabbit..nung nabili ko na yung mga yun nagmadali akong umuwi sa bahay para pakainin siya..nakakain naman siya nung gerber and then saka ko inapply yung gamot nya sa sipon..habang iniinom nya yung gamot bigla na lang niya binuka-buka yung bibig nya,hininto ko kagad yung pagpapainom sa knya nung gamot tapos pinapainom ko siya ng tubig..nagpaulit-ulit ng pagbuka ng bibig si teddy..sabi ng kuya ko hayaan ko lang daw muna ihiga baka naninibago lang sa lasa ng gamot.after 5-10mins namatay si teddy sa lap ko habang hinihimas himas ko yung tiyan nya :(
hanggang sa nakakuha na kami ng box kung san siya ilalagay karga karga ko pa din siya. :(
sorry..kasalanan ko :(
teddy :(
teddy's coffin
kung alam ko lang sana di ko na siya pinainom ng gamot :(
|
|
Comments (0) :: Piss A Comment! :: Permanent Link
|
Jul. 20, 2010 - kalokohan..
Posted by khai
im really addicted to one piece na..actually i've got a big crush on luffy na so i searched on google and i found this test about one piece "which one piece guy would fall for you" at eto ang result:
YOU GOT LUFFY!
how he fell for u:
you were walking on the deck of the ship when luffy called your name,
khai: hey there luffy ^^
luffy: khaii-chan :D can I ask u a favour?
khai: sure ^^
luffy: usopp says that I have somthing on my forehead can u check it please??
khai: oh ok then
the while you were checking his forehed you were only a few inches from his face
luffy:khaii-chan, you have beautiful eyes :D
khai: *blush* oh thank u ^^
then you heard usopp and chopper saying:" LUFFY AND KHAI SITTING ON A TREE..."
khai: STOP THAT! DX *the u left angirly*
luffy blushed too...and left...
at night....u heard a knock on ur door, u went to see who it was and it was luffy!
luffy: hey khaii-chan
khai: oh hey luffy*u look down blushing* about what happened this morning...
you were cut by him kissing you cheek and saying
luffy: good night,khaii-chan
and he leaves, u touched your cheeks and went to bed thinking about how 2morrow will be with him ^^
|
|
Comments (0) :: Piss A Comment! :: Permanent Link
|
Jul. 19, 2010 - realization
Posted by khai
'wala na kame..but i tried...'he said.i blink my eye on my cellphone.kakagising ko lang kasi nung nabasa ko yung text na yun.
that was mike..ilang araw na siya nagte-text sa akin about sa kanila ng girlfriend nya.well ex-girlfriend nya.
why? nakapag-usap na ba kayo?anong nangyari? i replied.
yeah,nag-break na kame.parang di ko lang napagbigyan one tym. he texted back.
panong di mo napagbigyan one tym?
nung tym na down na down daw siya hindi ko siya napuntahan..nitong last week lang yun..nung time na yun tapos na ayusin yung paglipat kay papa...(di ko na tanda yung ibang nakalagay..XD)
grabe naman ka-selfish nun..i replied back. Are u ok mike?
itutulog ko lang to..sa susunod ayoko na talaga. that was his last text.
mike is one of my close buddy on cabal online,and i treat him as an older brother na..his ex-girlfriend,though we were not close,magkakilala kami sa same game na nilalaro din namin ni jay..in their 3 months relationship ako yung tanungan ni mike sa mga problema nya sa relasyon nila kaya di rin biro na kahit sa ganoon kaikli panahon na naging sila,masakit kay mike yung nangyari..mike's already closing doors to women.i mean was..not until joan showed up..
oh well,ganon talaga ang pag-ibig..pag selfish ang isa,hindi pwedeng magbigay ng magbigay ang isa..dahil sa ganoong relasyon wala talagang maaring magtagal..
my message to my mike:
its good na natapos na yan mike..para di ka na umasa na "pwede pa".cmula palang nung araw na sinabi mo sa akin na parang ngbago na siya yan na naiisip ko na mangyayari eh,di ko lang akalain na mapapabilis..pero sana naging sensitive siya sa feelings mo at kausapin ka nya ng maayos at mag end kau ng maayos hindi yung sa phone lang..ngkataon pa na ... kakamatay lang ng papa mo.napaka insensitive naman ng labas nya nun..
alam mo yung sa relasyon namin ni jay,sa tagal namin na ganito never naging problema sa amin ni jay yung once a month kami magkita..kung tutuusin pareho lang kaung nasa manila,mas madali para sa inyo ang mgkita..hindi din reason yung down na down siya tapos hindi ka nakapunta.maraming pagkakataon na down na down ako at gusto ko makita si jay,pero di ako napapagod sa relasyon namin dahil alam ko na nakakabawi naman si jay sa akin pag nagkikita kami.iniisip ko ayaw kong sa akin lang umiikot mundo ni jay,tama ng mahal niya ako..masama din kasi maging selfish sa ganyan,kasi di talaga kau magtatagal..
i dnt knw what her reason,pareho ko kaung friend though mas close ka sa akin,for whatever her reason is,kung tatapusin nya sana ng ganito kaaga,pinalampas nya siguro muna yung libing ng papa mo and then,ngkita sana kayo ng personal para dun nya masabi lahat..
alam ko yung ngyari sa knila ni chad.so i really dnt know why she's like that..ikaw lang ung anjan sa knya sa panahon na iniwan siya ni chad.kaya ang naisip ko nun,cguro hindi gagawin ni joan sau ung gnawa sa knya ni chad.
oh well,ang masasabi ko lang..dont hate women.sa gender lng kami mgkakapareho,i guess nagets mo sinasabi ko..im always here for you friend.im just a txt away :)
--------------------------------
sa nangyari sa knila,narealize ko hindi ako magiging kagaya ng ex ni mike..i wont give up easily..hindi ko sasayangin ang isang taon na relasyon namin ni jay para lang matapos sa lahat..di ako papayag na mag e-end ang relasyon namin dahil nangako ako sa kanya na siya lang ang mamahalin ko habang buhay ako,siya lang ang papaksalan ko,siya lang magiging daddy ng magiging babies ko at siya lang makakasama ko hanggang sa pag tanda.. :)
|
|
Comments (0) :: Piss A Comment! :: Permanent Link
|
Jul. 15, 2010 - missing him..
Posted by khai
its been 2 days now..wala akong contact sa kanya kahit na isang txt man lang.
i keep of saying "may kuryente nga di ko naman siya makontak" then after giving up calling him,ittxt ko naman.
nami-miss ko na siya.sobra.
gusto kong pumunta sa kanila just to check him up.
arrrrghhh. i need to hear his voice.. kahit yung boses nya lang :(
|
|
Comments (0) :: Piss A Comment! :: Permanent Link
|
Jul. 14, 2010 - ha
Posted by Athrium
At last, nagbati na rin kami. Tiniis ko siayng hindi itext ng ilang araw. Kung anu-ano ang pinaggagagawa ko para maibaling lang ang atensyon ko sa iba. Successful naman. Tas bigla siyang tumawag. Hehe!!! Syempre, masaya ulit ako. No comment.
|
|
Comments (0) :: Piss A Comment! :: Permanent Link
|
|
About Me
Ordinary events in amplified commentaries. What's fascinating in my life anyway?
Fooled From Jan-01-09 00:00
CHAT LANG!
PLURK! PLURK!
|