18 years old is the legal drinking age. Drink moderately.

January 28, 2010 - Sorry Naman

Dahil naghahanap na kayo.. Hahahah! Eto, update sa lablayp... Alam ko naman na yung mga nagbabasa ng blog ko karamihan yun lang naman talaga yung hinihintay, mapa-"fan" o hater. Woot! Ayan, now I felt obliged to always update on that. Heheh.

Actually. Hindi ako naguupdate ng blog about my love life kasi wala naman talagang update. Pero just for the sake of updating, sige pipigain ko yung utak ko para jan.

Matapos ang huling pag-atake ng over thinking, over reacting at over analyzing, naisip kong ayoko na lang muna pagaksayahan masyado ng brain cells yung bagay na yan. Busy na rin naman ako sa work, sa school, sa layout at sa pagbabasa ng mga bagong discover kong blogs. And besides, kapag iniisip ko pa kasi inaatake lang ako ng over thinking, which most of the time result to undesirable shit.

Kami ni Porky ngayon naguusup pa rin. Still see each other once a week if we can. Ang napansin ko lang less texting na. May bago na rin kasi siyang katext eh, yung nanliligaw sa kaniya sa office nila. Yup, nanliligaw sa kaniya. She buys him food, gave him a pillow she named "Meg" and recently gave him a big pack of chocolate cookies along with a Folded and Hung long sleeve shirt that looks so gay, no exaggeration. And yeah, the shirt smells like she poured the whole bottle of her perfume on it. Wahahah!

He said dati nirereplyan pa niya palagi yun pero nung biglang naging clingy kahit hindi naman sila, sabi niya hindi na niya masyado kinakausap. He even show me her texts, parang nagmamakaawa nga na replyan siya. Ahahah! May isa pang text na parang, "Bakit ayaw mo na ako replyan? Akala ko pa naman close tayo. Kapag tinatanong ko kung kamusta na si Meg hindi mo ako sinasagot." Woot! And BTW she's kinda old already, if I'm not mistaken she's already in her early 30's or late 20's.

Reaksyon ko? Even before he was still texting her a lot, ako parang "oook". Ayoko na talaga pagaksayahan pa ng utak. Oo may pain pero ganun talaga. Pero hindi ko na pinagaksayahan pa isipin ng matindi o mag paka emo or anything.

Si Sherwyn naman, hmmmm. Ayun. My friends know that I had over thinking attacks when he suddenly stopped texting me. Ahahah! Pero ayun, nakapagusap na naman. Sabi niya sa tingin daw niya kasi hindi pa daw talaga kami tapos ni Porky kaya ayaw na lang daw muna niya makigulo. Since then, we rarely talk. Namiss ko na nga eh. Pero ayoko na lang din mag-over think. Ayoko naaaaa! Gumugulo lang eh. Hahahah! Ayan. Ayan na yung details nung number 6 dito sa post na ito. =P

Actually, yung relationship namin ngayon ni Porky para na kaming mag super best friends. Siya pa nga yung nakapagbigay ng malulupit na words of wisdom nung time na over think mode ako nung hindi ko pa alam kung bakit biglang hindi na nagtetext si She. Mukang mas ok nga talaga na ganito lang kami. Mas harmonious, hahah!

Hmmm.. Updates.. Updates.. Wala na akong maisip na iba pang updates eh. Ayoko na rin talaga masyado magisip masyado tungkol jan, lalo lang lumalala migraine ko. Hahah!

9018
Piss A Comment!

January 28, 2010 - ang bilis ng pagtupad sa request hahaha

Posted by Anonymous
ayos lablayp update kagad, woot! may nakapagsabi sa 'kin dati na kapag di na nagtetext yung guy meaning may ibang bagong pinagkakaabalahan. kung anuman yun, di natin sure kung ano... o sino hahaha.
Permanent Link

January 28, 2010 - =P

Posted by parapampam
naisip ko rin yan pero ayoko na i-fuel pa ang emoness o kung ano pang over thinking.. ahahah..

tsaka nung una pa lang naman somehow inexpect ko na rin naman na posibleng mangyari yun kaya hindi na rin naging mahirap tanggapin.. =P
Permanent Link

January 28, 2010 - one of your fans :)

Posted by Anonymous
mas okay nga yung ganian lang, mahirap magexpect or anything and good thing busy si pam :)
Permanent Link

January 28, 2010 - oo nga!

Posted by Anonymous
yun nga talaga ang tama, wag tayong mag-eexpect sa mga lalake. hahaha parang di ako lalake. tc pamskie
Permanent Link

<- Last Page :: Next Page ->

About Me

Ordinary events in amplified commentaries. What's fascinating in my life anyway?

Fooled From Jan-01-09 00:00

Click here for a free hit counter
FREE HIT COUNTER

CHAT LANG!

PLURK! PLURK!