18 years old is the legal drinking age. Drink moderately.

All That Caffeine... - January 27, 2010 12:23

...Went down the drain. Well, mas okay ata kung down the toilet na lang heheh.

Haiz. Sakit sa bangs, mehn! I knew I promised myself not to take coffee for one week pero hindi ko kinaya. Bakit? Dahil ang sakit sa bangs ng tasks ko ngayon. At anong papel ng coffee sa task ko? Combo ng motivation/reward, pampagising at ang added bonus na exercise.

Motivation/reward dahil kapag may progress ako sa task ko binigyan ko ang sarili ko ng kape. Hahahah!

Pampagising dahil tuwing after lunch eh sobrang inaantok ako at umaabot yung antok na yun hanggang uwian. Kaya ayun, kapag feeling ko mabait akong bata at may nagawa ako sa task ko bumababa ako ng 3 para bumili ng kape sa 7-Eleven.

Exercise. Kailangan na kailangan ko yan kaya kahit pwede naman ako bumili na lang ng isang kahon ng instant coffee sa grocery para na rin makatipid at hindi na maglakad papunta ng malayong 7-Eleven eh mas pinipili ko pa rin na maglakad. Heheheh. Mabubuhayan pa lalo yung dugo ko, masmakakapagtrabaho ako.

At bakit nga pala all that caffeine intake went down the drain? Dahil yung pinagubusan ko ng utak niton mga nakaraang araw eh mababaliwa lang lahat dahil aabutin ng sampung taon yung utak ko kung ipipilit ko yung naging approach ko dun sa task ko. Sa huli, yung shortcut at daya rin naman pala yung gagawin at gagamitin. Wow. Sakit sa bangs. Pero ok lang, dami naman na din ako natutunan na hopefully eh magagamit ko sa ibang magiging task ko dito sa office. Na by the way eh madadagdagan nga pala dahil sa isang iglap eh bigla na lang naging deadline ng lahat ng project dito sa office.

Oh well, matabang bilbil. Work mode!

8997
Piss A Comment!

January 28, 2010 10:29 - lablayp naman dyan

Posted by Anonymous
nakaka-miss naman yung kwentong lablayp. update mo naman kami sa kwentong lablayp!
Permanent Link

<- Last Page :: Next Page ->

About Me

Ordinary events in amplified commentaries. What's fascinating in my life anyway?

Fooled From Jan-01-09 00:00

Click here for a free hit counter
FREE HIT COUNTER

CHAT LANG!

PLURK! PLURK!