18 years old is the legal drinking age. Drink moderately.

January 18, 2010 - Kidnap!

"Dapat yung title ng blog mo kidnap, wala ng iba, kidnap lang." - Justin

Bandang 1AM ng madaling araw ng Sunday bigla na lang tumawag si Rocky sakin. Kasama daw niya si Justin, pupunta daw sila ng bahay namin. Wow! Isang malaking W-O-W! Nung una pinipilit pa nila ako sumama sa "roadtrip" nila, anjan pa yung mga "Papayag ka ba na kami masaya tapos ikaw ang lungkot mo jan sa bahay niyo," ni Justin. Sabi ko lalabas lang ako pero hindi ako sasama kung saan man sila pupunta.

2AM humiga na ako sa kama. Nung tumawag sila ng 1 sabi nila malapit na daw sila, 2 na wala pa kaya naisip ko joke lang nila na pupunta sila. Nakapikit na ako eh, sabay biglang nagring yung phone ko, anjan na daw sila. Pagsilip ko sa bintana nakita ko si Rock, Just, Bry at si JV. Buti na lang wala parents ko sa bahay at nasa bahay namin sa Tagaytay, pero may mga kasama pa akong kapatid at yung katulong namin.

Paglabas ko, na- Justin+Rocky combo kaagad ako ng pangungunsensya para sumama ako. Taenang yan. Kay Justin pa lang 'di na talaga ako nakakapalag idagdag mo pa si Rock. Ayun. Nagpalit lang ako ng t-shirt, nilock yung gate namin, sakay kay Basha sa kundisyon na malapit lang dapat para makabalik ako kaagad.

Magkakape lang daw kami. Magkakape sa.... TAGAYTAY!

Malapit naman nga eh, malapit sa bahay namin sa Tagaytay. Hahahah! Hindi na lang ako nakapalag eh. Nung nagdecide kung saan kami, 4 sila Tagaytay daw tapos magisa lang ako na ayaw. Ayun. Hahahah!

Pagdating ng Tagaytay, goto. Gotong ang tagal hinintay yun pala hindi nakuha yung order namin. Hahah!


Bry sa gotohan.


Ako, Rocky, Justin at JV.

After ng goto, hanap lang ng overlooking na spot, bili ng Tanduay Ice, tambay hanggang sumikat ang araw.


Sa gilid ng hi-way, overlooking. Overlooking sa fog. Hahah.


J-Roy, sa likod ni Basha.

Kamusta naman na buong stay namin sa Tagaytay nangangatog ako. Ang nipis lang kasi ng t-shirt ko, slightly of shoulder pa tapos eto malupit, naka-pokpok shorts lang ako! Eh yung gotohan at kung saan kami uminom parehong gilid lang ng hi-way, tuwing may dumadaang sasakyan may malakas na hangin, samahan mo pa na umaambon nun. Wow!

Nakauwi ako ng bahay 8AM na. Ayun. Nung nalaman ng nanay ko mega sermon. Dala ko kasi yung susi ng bahay eh, nasabihan pa ako ng "Paano kung nag-earthquake, paano makakakalabas yung mga tao sa bahay nasa iyo yung susi?" WOOOT! Bukod jan marami pa, di ko na lang diditalyehin dito. Bottom line, naghahanap na ako ngayon ng lilipatan. Hahahah!

Anyhoo. Saya! My first roadtrip experience. Combohan mo pa ng first experience ko ng pagtakas sa bahay ng madaling araw. ^_____^

8740
Piss A Comment!

January 20, 2010 - hi

Posted by Anonymous
ang sarap naman ng kidnap na yan =)

ang cute ni j-roy =)

natawa ko sa pokpok short, hahaha.
Permanent Link

January 20, 2010 - Untitled Comment

Posted by Anonymous
hahaha gusto mo pakilala kita kay j-roy?
Permanent Link

January 21, 2010 - really???

Posted by Anonymous
gusto ko sana kaya lang nahihiya ako =) syempre dapat dalagang filipina, hahaha.
Permanent Link

January 21, 2010 - me again =)

Posted by Anonymous
btw hi pam, wala lang i just wanna say hi =) sobrang fan mo ko, nakakarelate kasi ko seo and hi din kay j-roy, kiss mo ko sa kanya =)
Permanent Link

January 21, 2010 - ^__^

Posted by parapampam
ahahaha! nasa makabagong panahon na tayo, wooooot! =P

anyhoo.. salamat po, a fan amidst a sea of haters.. nakakatuwa naman na kahit puro kaadikan lang ang laman eh may mga napapadpad sa blog ko..

paalam mo lang kung paano ka makokontak ni j-roy.. ^__~

woot! =P
Permanent Link

January 22, 2010 - hi

Posted by Anonymous
hanggang tingin na lang siguro po kay j-roy, hehe anyway good for you kasi parang walang takot ka sa mga ginagawa mo tas gusto mo din mag-move out, ah basta love kita pam. almost everyday nagchecheck ako kung may new post ka =) btw its kyle ;) tc pamskie ;))
Permanent Link

January 26, 2010 - hi kyle!

Posted by justin
inadd kita sa facebook. accept mo na lang. thanks. :D
Permanent Link

<- Last Page :: Next Page ->

About Me

Ordinary events in amplified commentaries. What's fascinating in my life anyway?

Fooled From Jan-01-09 00:00

Click here for a free hit counter
FREE HIT COUNTER

CHAT LANG!

PLURK! PLURK!