January 11, 2010 - WTPudge?
Listahan ng mga tanong ko ngayong araw sa sarili ko, sa earth, sa universe at sa kung sino pang pwedeng magbigay ng sagot:
1. Bakit. Bakit tamad na tamad ako ngayong araw?
Lunes lang ba o sobra lang talaga akong walang gana ngayong araw. Sinubukan kong pilitin yung utak ko na basahin yung codes nung trabahong ipinasa sa akin nung kareresign ko lang na officemate pero wala, ayaw talaga. Bukas lang yung Visual Studio, pero puro pagso-scroll lang ang ginawa ko. Bakit? Lunes lang ba or may masmalalim na pinaghuhugutan itong katamarang ito? Hmmmm.
2. Bakit. Bakit hindi ko tinuloy na size 38 at hindi 37 yung bilhing studded ballet flats?
Ayan, ang sakit tuloy ng paa ko. Gusto ko na lang paniwalain yung sarili ko na luluwag din ito kapag na-overuse. Pero mao-overuse kaya ito kung masakit nga sa paa? Oh noooooooes!
3. Bakit. Bakit ang sarap nung Choc NOT Ice Cream sa Canteen sa Trilogy Boutique?
Finally, natry ko na rin sa wakas yung Choc NOT Ice Cream sa Canteen kanina. Sa una parang iisipin mo ang simple lang ng lasa niya, pero habang tumatagal... Hay. Ngayon nagke-crave na tuloy ako. Watdapudge? 85 pesos per scoop, sooooo worth it! Akala ko overrated lang yung mga nababasa ko sa blog na legendary yung kasarapan nun.
4. Bakit. Bakit hindi ako pumunta sa Trilogy Boutique+Greyone Social Warehouse Sale nung weekend?
Kiiiiiiiiiiiicks! Besides possibly seeing some rare finds in cheap price tags (or, since mahal talaga yung mga shoes na yun, cheaper than regular price). Taenampupu talaga. Nakita ko pa sa net yung mga ibang shoes that were on sale, waaaaah! I want Creative Recreation! (click the link, they got a really cool site) At ito pa. Bakiiiiit talaga hindi ako pumunta?. I should've seen these guys I have been drooling over for countless years now. Victor Basa and Mong Alcaraz. Looooord!
Pictures are from Adoborat's Multiply account. Even the choc not ice cream pic above.
5. Bakit. Bakit iniisip ko ngayon na hindi kakayanin ng utak ko?
2 projects na ngayon ang hawak ko sa office. Yung isa dun, yung katuturn-over lang, alam kong hindi lang basta pananakot ng mga officemates ko at nung nag-turn-over nito sakin na masakit sa ulo ito. Ang sakit pa sa bangs na, sa pagkakaintindi ko, lahat ng project ng office namin eh related dun, haay. Tapos may mga bago na akong tasks dun sa dati ko pang project. At! Next next week start na ng classes ko sa FirstAcad, kung sakaling kukunin ko na talaga yun. Pero hanggang ngayon undecided pa rin ako, kaya ayan, kita niyo naman yung mga thoughts ko. Procrastination lang ba ito? O talagang alam ko lang ang capacity ng utak ko? Loooooord!
6. Bakit. Bakit ganun, anong nangyari?
Something changed, kung ano man yun, next time na lang yung details, kasi... 8PM na, uwi na ako. Wooot! Pero ito. May nagsusumigaw na negative vibes na parang gusto ng maniwala ng utak ko sa dati ko pang nararamdamang negative vibes. Scary intuition, kumakatok ka na naman ba?
|
|
Piss A Comment!
|
|
About Me
Ordinary events in amplified commentaries. What's fascinating in my life anyway?
Fooled From Jan-01-09 00:00
CHAT LANG!
PLURK! PLURK!
|