January 10, 2010 - Staring At The Setting Sun
Current music playing on repeat: Thursday - Understanding in a Car Crash
I've been in a Thursday high for more than a week now, and one song that's played more than anything else is, yeah, you might have guessed it already, Understanding in a Car Crash. At! Nabibingi na yung mga tao dito sa bahay kapag pine-play ko yan dahil para daw akong pinupunit na yero, singing at the top of my weak lungs, na sumasabay pa masmalalang pagpupunit ng yero dahil sa pagpapatugtog ko ng Thursday gamit lang usually ay laptop. Heheheh.
Ewan ko ba. Nasasakto palagi na kapag may malaking something na nangyayari sa amin ni Porky lagi na lang ako may nakakaadikang kanta ng Thursday.
I crash my car every day the same way. Wooot! Ayun yun eh. Samahan mo pa ng mga God Wants You To Know at Horoscope na ilang araw din akong pinatatamaan ng mga tipong kung yung mga paulit-uit ko daw na ginagawa ay hindi umeepek ibig sabihin dapat na akong gumawa ng ibang bagay, woot!
Nararamdaman ko na rin na nagko-connive na rin ang universe. When he got his new job, since grave yard yung shift niya, kapag gising ako tulog siya and vice versa. Ang pasok niya kasi midnight to almost noon, 'di ko lam exact time. Buti na lang late ako natutulog kapag gabi, nakakatext ko pa siya bago siya pumasok. Tapos sa umaga nakakatext ko siya kapag papasok na ako, pero sa buong hapon wala. So ilang oras lang yun sa buong araw, 'di ba?
Dati nagusap kami tungkol dun. Sabi niya, alam daw niya na dahil dun meron na daw "pagkukulang na kailangan punuin, na mapupuno ng iba." Gumaganon. Gumaganon siya dahil a day or two before that, nagusap kami about us and about Sherwyn. Pero lahat-lahat ng mga paguusap eh nauwi lang din naman sa conclusion na hayaan na lang naming lahat kung saan kami dadalhin ng future. Kinausap ko kasi sila pareho pero hindi sabay, pero na-conclude ko rin na inatake lang ako ng over thinking, over analyzing at over reacting. Hahahah! Naalala ko tuloy yung sabi ni Justin DC sakin kailang lang, kami daw kasing mga babae nasosobrahan palagi sa pagiisip, ginagawang komplikado ang mga bagay na hindi naman dapat, pinapahirapan lang namin sarili namin, pati tuloy yung mga iba nadadamay. Wooot!
So balik dun sa pagkukulang na kailangan punuan thingy na sinabi ni Porky, ang sagot ko sa kaniya nun, pwede naman niya mapunuan yun kapag weekends, sa kaniya na naman talaga nakapangalan ang mga Sabado ko 'di ba? Pero ayun, universe conspiring again, simula kahapon mukang wala ng Saturdays with Porky. Dahil may pasok siya ng madaling araw ng Saturday hanggang tanghali, ayun, ayaw na siya palabasin ng nanay niya ng Saturdays dahil kailangan daw niya matulog. Oooook!
Oh well. Maybe that's a sign that I should really stop crashing my car every day the same way.
Eto pa. Ang kulit ng horoscope ko kahapon na kanina ko lang nakita.
You may find a theme running through the day that speaks of getting rid of that which serves no real purpose, Taurus. There may be stories about the removal of corrupt officials, at the same time, you may decide to get rid of things in your life that serve no real purpose. It may be time for a good housecleaning, but you have to be ready to let go, despite others who would like to see you stuck in the same place forever. High standards are important, but don't make any false or unproven allegations.
Oo nga pala, kahapon finally nagpalit na siya ng relationship status niya sa Facebook. Ayun. Hindi na kasing sad yung effect like nung nagpalit siya nung status niya sa Friendster dati. Improving? =P
|
|
Piss A Comment!
|
|
About Me
Ordinary events in amplified commentaries. What's fascinating in my life anyway?
Fooled From Jan-01-09 00:00
CHAT LANG!
PLURK! PLURK!
|