January 8, 2010 - Wallet Bleed Forecast - 2010 First Half
Hindi pa nga natatapos ang first week ng bagong taon, parang gusto ko na umiyak dahil sa mga known wallet bleeding just for the first half of the year pa lang. Well, actually, first quarter nga lang plus the first month of the second quarter.
- FirstAcad Print Media Course. May definite start date na talaga, and if ever I decide to take it, ayun, tumatanggingting na 10,000 pesos na wallet bleed before the start of classes on January 18. Wow! At kabuntot niyan ay tumatanggingting din na 3,000 something pesos monthly starting February. Wow na wow!
- Boracay with my dad's relatives. This will be on my lola's birthday month, baka 3rd or 4th week daw ng April. Pinaghahanda ako ng nanay ko ng atleast 7,000 daw, hindi daw niya ako ibabayad. Oh well. Kung ako naman ang tatanungin ayoko talaga sumama dun.
- Unconfirmed Boracay with Vinta officemates. Ayun. Pero unconfirmed pa naman, pero siyempre mas gusto ko na ito kesa dun sa Bora with my dad's relatives (akala mo naman sa dad ko lang na relative at hindi sakin eh noh? hahah).
- Unconfirmed Ilocos-Pagudpod with GYCs. Since si Miggoy ulit ang nagaayos nito, unconfirmed na lang siguro dito ay yung exact date, pero sabi ni Ykai baka daw first week ng April or last week ng March.
- Malabong Survivor Calaguas. Gusto ko talaga nito. As in! Nagsend na kasi ng invite sakin sa email yung ininquire kong travel package last year. Yung package na 3,000 something lang tapos kasama na yung pamasahe, boat rentals, tent rentals, food for those 3D2N and booze. Heheh. Kapag may extra money pa ako pang first week of April, at may sumama sakin pupunta talaga ako dito.
- Tongue RE-piercing. Woot! Namiss ko na talaga yung bakal sa dila ko. Hopefully this January ma-pierce na siya ulit. *mega-fingers-crossed*
- Spankin' New Laptop. Pero siyempre swipe-swipe ito. Kailangan na kailangan talaga yan para ganahan mag-aral ng Print Media. Jan magbe-base lahat ng gastos kung kaya o hindi makakasama sa mga summer escapades na naka-line up.
Ayan. Mga major lang yan. Siyempre magkakaroon pa ng mga minor gastos, kasama na dun ang pang shopping therapy kapag super stressed na sa buhay. Hahahah! Ayun. Mukang hindi pa talaga ngayong half ng taon ang Samsung Star Wifi. Oh well. Tiwala lang, mabibili ko din yun this year! Kamon! Kamon!
|
|
Piss A Comment!
|
|
About Me
Ordinary events in amplified commentaries. What's fascinating in my life anyway?
Fooled From Jan-01-09 00:00
CHAT LANG!
PLURK! PLURK!
|