18 years old is the legal drinking age. Drink moderately.

December 31, 2009 - Sick Kid's Christmas

Nagsimula ang lahat nung hindi ako makatulog ng gabi ng 23. Akala ko naman nasobrahan lang ako sa pagliliw-aliw sa mall bago umuwi from my last day in the office before Christmas. Namili kasi ako ng pang-regalo sa mga kapatid kaya nakisiksik ako sa mga nagla-last minute shopping sa Landmark at SM Makati.

Nung gabi, tabi kami natulog ni Patring sa kama ko. Lasing kasi yung dad ko nun, magkaaway sila ng nanay ko, nagwawala siya kaya sabi ng kapatid ko, "Baka habang tulog tayo biglang buksan niya yung pinto tapos ako pa una niya makita kasi katabi ng kama ko yung pinto." So ayun. At dahil mahilig siya sa nakatutok na electric fan, ako hindi, ayun, nung una akala ko yun lang yung dahilan kung bakit giniginaw ako at masakit ang katawan at hindi makatulog, so ang ginawa ko bumangon ako, nagsuot ng makapal na jogging pants, nag sweater, nag-socks sabay lipat dun sa kama niya at walang electric fan. Nakatulog naman ako.

Pagka-gising ko ng 24 ayun. Inaapoy na ako ng lagnat. Sobrang sakit na rin ng ulo ko nun, parang may sampung elepante ang nagsesex sa ibabaw ng ulo ko. Nakahiga lang ako buong araw. Hindi ako nakasama sa lahat ng lakad at hindi rin ako nakakain ng noche buena dahil wala akong gana kumain. Paano, lasang kalawang lahat ng ipasok ko sa bibig ko eh.

Every 4 hours pinapainom ako ng nanay ko ng Biogesic, pero dahil sa sobrang sakit talaga ng ulo ko, pinupuslitan ko pa ng Advil kung minsan. Nung hapon dumaan si AJ sa bahay, saglit lang. Nung gabi, mababa na yung lagnat ko. Konti na lang din sakit ng ulo ko pero wala pa rin ako gana gumain. Akala ko okay na ako.

Pagkagising ko ng 25, ayun. Balik na naman sa dati. Masmalala pa. 50 elepante na ngayon ang nagsesex sa ibabaw ng ulo ko. Grabe, umiiyak na talaga ako sa sobrang sakit ng ulo ko tapos sobrang taas na rin ng lagnat ko. Biogesic na naman every 4 hours, hindi na naman ako nakasama sa mga lakad ng mga tao sa bahay.

Nung hapon dumating ulit si AJ. Dinalan ako ng Jollibee, eheheh. Sandali lang din siya sa bahay. Nung hapon din na yun hindi na masyado mataas yung lagnat ko. Weird nga eh, wala pala kami thermometer sa bahay. Hindi ko tuloy alam kung gaano ba talaga kataas lagnat ko.

Nung gabi wala na akong lagnat. Nakasama na ako mag-Market Market at naglakad-lakad sa High Street. Wala na akong lagnat pero medyo nanghihina pa rin ako.

26. Gumising ako ng may sinat. Tapos buong araw lang ako nakahiga. Feeling ko talaga may bed sore na ako. Ang sakit na ng dibdib ko at likod ko kakahiga buong araw.

Nung 27 ng umaga sobrang sakit ng dibdib at likod ko, so nung hapon dinala ako ni Mama sa clinic malapit dito sa amin. Nung nalaman na may lagnat ako ng ilang araw na, pina-CBC yung dugo ko. Mataas naman yung platelets ko pero sabi nung doctor, yung ibang characteristics daw ng dugo ko points to dengue. So sabi niya CBC daw ulit bukas.

28, pumasok pa ako ng office. Ayoko na kasi sa bahay eh, feeling ko talaga lalo lang ako magkakasakit. Tapos nung gabi, bago umuwi nagpa-CBC ako sa Megamall. Ayun, from 206 nung 27, naging 113. So mega panic yung nanay ko, dinala ako sa Medical City. Pinauwi lang din ako kasi sabi, although may dengue daw ako, wala na naman daw ako lagnat eh. Eh kaya lang naman daw dinadala sa doctor yung mga may dengue para daw sa lagnat. So wala na daw silang gagawin sakin, hydrate na lang daw eh pwede naman daw gawin sa bahay yun. Pa-CBC na lang daw ako ulit kinabukasan.

So 29, nagpa-CBC ako ulit. From 206, naging 113, tapos ngayon naman 68. Eh di lalong nagpanic nanay ko. Ayun, pina-confine na niya ako sa Medical City. Parang nag-overnight lang ako dun. Wala naman halos ginawa sa akin. Pinauwi rin ako kinabukasan. Eh wala na naman nga daw sila gagawin sakin 'di ba?

Ayun. Para lang kami naghotel ng overnight ni Patt dun. Eh tapos iniwan kaming dalawa dun ng nanay ko, kami lang ni Patt yung natulog dun nung gabi. Bago kami natulog kasama namin boyfriend niya, kumain kami ng McDo. Tapos dumaan din saglit si Sherwyn, umuwi in kaagad kasi antok na ko, heheh.

30 ng hapon pinauwi na ako. Nakahabol pa ng bisita si Vic, may dalang suman. Dumating siya paalis na kami. Heheheh.

Nanghihina na lang ako ngayon, siguro dala na lang ito ng katamaran. Wala na rin ako lagnat ngayon at tapos na rin ang mating season ng mga elepante sa ulo ko. Akala ko talaga sa hospital ako magnu-New Year.
Piss A Comment!

<- Last Page :: Next Page ->

About Me

Ordinary events in amplified commentaries. What's fascinating in my life anyway?

Fooled From Jan-01-09 00:00

Click here for a free hit counter
FREE HIT COUNTER

CHAT LANG!

PLURK! PLURK!