Di Lang Nila Alam (The Revelation)

Advance warning: LOOOONGGG ENTRY
Di ko kasi natapos ang kwento tungkol sa kanila at wari ko'y marami talaga ang gustong makasubaysay sa kanilang kwento. Hahaha, inuulit ko, di ko naman ginamit itong kwento na ito para kumita, o sumikat. Kaibigan ko silang dalawa, di rin ito gimik sapagkat lahat ng naisusulat di ito ay pawang mga tunay na nangyari sa totoong buhay. Kung di ka pa rin kumbinsido hayaan mo munang matapos mo itong pinakahuling kabanata ng maipakita ko ang mga katibayan...
Huwag kayong mag-aalala di pa ako nagpapaalam LOL. Intro pa lang iyun. Ito na ang pagpapatuloy ng kwento ng pinakaabangan niyong si Paranoia at si Drunk Writer....
ANG NAKARAAN...
Walang naging anumang problema sa paghihiwalay nila. Mangilang beses mang tinangka nitong magcomment sa blog entry ni Paranoia na pinamagatang "Lovedrunk" ay di na sila na talaga nagkabalikan, kagaya ng sabi ni Paranoia doon : "I had fallen in love with someone else, and before I knew it, I have completely drawn my attention to him and forgotten that I still have someone waiting for me back home."
Nakalimutan na niya na mayroon pang naghihintay sa kanya...
Gayunpaman, ipinangako niya sa sarili niyang siya ay mananatiling "single but not available". ASA LOL.
Siyempre kasi naka-reserved na ang puso niya para kay Drunk Writer. *peace men*
BOHAHAHA!
BOHAHAHA!
SA PAGPAPATULOY...

done in MS Paint by Drunk Writer
Naging masaya ako dahil sa mga sumunod na mga pangyayari. Sa totoo lang sa dami na ng mga pangyayari nahihirapan na akong makapagsulat LOL. Alam niyo namang 20 anyos na ako LOL makakalimutin na ako.
Pagkatapos ko maisulat at maipost ang part3 ay kung ano ano na ang mga sumunod na pangyayari di lang kina Paranoia at Drunk Writer kundi sa akin din... kaya medyo naging mabagal ang progreso ng ating part 4. Patawad.
Balak ko pa naman sanang ako na ang magbuko kung sino silang dalawa pero mukhang balak pa nila akong unahan tingnan mo naman itong pansayn na yan sa DP ng Y!M ni Drunk Writer LOL.
Ang Alamat ng Kweba
ni Naruto
ni Naruto

done in CS3 by greatwall
Tsk tsk, hanggang ngayon iniisip ko pa rin. Kung anong meron dun sa kwento na yun.
May isang lalaki daw na na-trap sa loob ng isang kweba at di daw niya mahanap ang lagusan palabas dahil nawawala ang flashlight. May dala daw siyang dalawang mahalagang bagay... ngunit nawala daw ang flashlight. Di daw niya alam kung saan sa dala ang dapat niyang iwan para makuha nya ang flashlight. Pero natatakot naman siyang paa ang gamitin niya para kapain sa dilim ang flashlight na iyon dahil baka siya ay mahulog.
Natapos ang gabing yun na di ko talaga alam kung ano ang ibig sabihin ng kwento na yun at ibinaon ko na lang sa limot.
Ilang araw din kaming di nag-usap na tatlo. Siguro busy sa ilang mga bagay... Nalaman kong birthday ng erpats at ermats ni Naruto nun kaya sinabay ang selebrasyon. Pumasok naman ako ng maaga kinabukasan para asikasuhin ang ilang mahalagang sa eskwelahan pagkatapos nun ay nag-online ako sa computer shop nila Bumbay, at naabutang online si Naruto at Drunk Writer.
Nakalimutan na yata niyang emo siya nung nakaraang isang gabi... o marahil naisuka na niya ang kanyang pagiging emo LOL.
at nabuo itong dance step na ito LOL.

Lines from the song: Forget About Me by Liltle Bit
Wala lang commercial lang LOL.
Sige balik tayo kina Drunk Writer at Paranoia!!
Lines from the song: Forget About Me by Liltle Bit
Wala lang commercial lang LOL.
Sige balik tayo kina Drunk Writer at Paranoia!!
Ayon dito sa naka-save namin na pag-uusap ni Naruto at ni Drunk Writer (naka-save talaga what the.. LOL!!!) isang gabi daw ay napagalitan daw si Paranoia at Drunk Writer ng mommy ni Paranoia. Di ko ito alam dahil di naman ako inaabot ng madaling araw sa pag-oonline hahaha. Sila lang ang nag-uusap sa madaling araw. Kami ni Naruto sa umaga naman hahaha XD.
Nagalit si mommy dahil sobrang gabi ay nag-uusap pa rin sila sa ym hahaha.
Mabuti na lang at mabait na tao si Drunk Writer, humingi siya ng paumanhin sa mommy ni Paranoia. Habang kinukwento sa akin ito ni Drunk Writer ay para na naman akong sira ulo dito sa kwarto, mag-isa at nakangiti hahaha.
Natuwa ako sa sumunod kong narinig, nag-sorry din sa kanya ang kanyang mga sinabi kay Drunk Writer.
Wala na akong maisulat.. Meron pa pala LOL. Nang sumunod ulit na araw ay tinodo na ni Drunk Writer ang pagpopromote ng kwento nila mula sa blog ko sa kanyang latest entry LOL. Hay kaya ito pinilit ko na siyang matapos LOL.
Masaya ako na naging parte ako ng kuwentong ito.. Patawad sa napakatagal na paghihintay... Di ko alam paano wawakasan talaga ang kwento nila....
Di ko naman sinasabing ako ang naging daan pero... kung di ko siniwalat ito ay mananatiling lihim ito o di kaya madidiskubre nila sa ibang pagkakataon at di ganito kabilis.
BUKUHAN NA
Ang mga pangunahing tauhan pala sa kwentong ito ay sina: Vhonne, kilala bilang si Batanggero ang may-ari ng blog na Batanggero, sa Blogger. Click mo dito ng makita mo. LOL. XD
Si Paranoia naman bilang si Loraine ng Vanity Express o ANING is Crazeeeehhhh! Click >mo dito para makita mo LOL!!!
Halos give away na nga lang ang pagbibigay ko ng mga pseudonym e kaso di niyo pa rin mahulaan LOL.
ANG SLOW SLOW NIYO hahahahaha! TURTLE hahahaha.
Naging Drunk Writer ang pagbibigay ko ng pangalan kay Vhonne dahil nga sa una niyang pagcocomment dito sa blog ko ay ang unang napansin niya ang aming logo. Ang logo ng Red Horse Rakista Blog na pulang kabayo.. Halatang manginginom pare LOL.*peace* At may nakita din akong animated gif nung araw na iyun na ang nakalagay "emotional writer" mula kay Popoyclaw aka Andrew. Kaya ayun Drunk+Writer=Drunk Writer.
Si Loraine naman ay naging si Paranoia dahil sa tag niyang ANING. In-english ko lang pare XD.
CREDITS
OUT TAKE:




the people behind this crazy story:
yummy> as greatwall the crazy author
ian> as naruto the semi kasabwat
loraine> as paranoia
vhonne> as drunk writer




the people behind this crazy story:
yummy> as greatwall the crazy author
ian> as naruto the semi kasabwat
loraine> as paranoia
vhonne> as drunk writer
PASASALAMAT
To Vhonne and Loraine: <3
Nagpapasalamat ako sa mga pangunahing tauhan sa istoryang ito... Vhonne at Loraine. Ngayon wala na akong problema LOL. Wala na akong pinagtataguan sa Y!M hahaha. Di na ako nag-iiba ng sinasabi sa inyong dalawa. Salamat naman at mukhang nagkakamabutihan kayo. Sana tuloy tuloy na yan.
Vhonne, alagaan mo si Loraine ahh, kasi pag hindi, magagalit kami sa yo. OO KAMI, kami na lahat ng may alam ng tungkol sa inyong dalawa LOL.
Loraine, tandaan mo bawal ka magmura LOL. Hahahahaha.
To Naruto: <3
Naruto, salamat sa tulong at sa drawing. Salamat sa pangungulit, pang-aasar, pakikipagpuyatan, mga pag-uusap na malalim, ubod ng lalim, ubod ng babaw, salamat sa inspirasyon, hahahaha, inspired ako sumulat kasi sulsol ka LOL, wala na ako masabi LOL. Hmm ayun!!! Alagaan mong mabuti ang iyong gf.
P.S.
Ni-request ni Vhonnie ang Ang Alamat ng Kweba kaya nandyan LOL. *peace yoh*
Pasensya ka na rin sa picture mo LOL. Kasi nga ikaw si Naruto LOL. Buti na lang naganyan ka sa webcam hahaha. Nenenok ko.
Pag umuwi ka ng Pinas lagot ka sa akin LOL. Take care! Mwaahhh!
To The Readers/Echusera/Chismosos and Chismosas:<3
Sa mga nagbasa nitong kwento na ito from start to end, SALAMAT! Wala na akong masabi LOL. Pasensya na kung hanggang ikaapat lang ang isinulat ko, naniniwala kasi akong dapat isapribado na ang mga bagay bagay at di naman talaga ako ang magdidikta ng katapusan ng istoryang ito... Na kina Vhonne at Loraine ang pagpapasya sa bagay na iyan... :)Mas malaking pasasalamat dun sa mga naglalagay ng comment hahahaha, salamat sa effort niyo LOL alam niyong alien ang pagcocomment sa rakista pero nagcocoment kayo! Mwaaahh.
Pasensya kung di niyo man magustuhan ang ending LOL. Alam ko wala akong talent bilang manunulat hahaha. Sa mga bayolenteng reaksyon open pa rin po ang Cbox at ang comment form dito LOL. Anyways di naman ako sasagot LOL.
Hanggang sa muli pag nakaisip muli akong sumulat ng kwento XD.
"Parting is such a sweet sorrow."
- Juliet, Romeo and Juliet
by William Shakespeare
- Juliet, Romeo and Juliet
by William Shakespeare
Gayunpaman hanggang dito na lang po. :)
Muli po marami pong salamat!!!
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
© greatwall inc.
in partnership with naruto
Written by: yummydingding
Images by: yummydingding, neenjaian, LorAine and Vhonne
Hosted by: Red Horse Rakista Blogs
Excerpts from this blogs:
Batanggero, Aning is CRAZEEEHHH!!!, Unliquotes, The Greatwall, and Tales of Torment
Other images from: Naruto Indonesia, and bennyjojo.
All Rights Reserved 2008. No part of this series may be used or reproduced in any manner whatsoever without written permission except in the case of brief quotations embodied in critical article reviews.
Using of any images and excerpts from this story without our permission is stealing.

~YUMMMMEEEHHHHHHHHHHH
~YUMMMMEEEHHHHHHHHHHH






"After running out of tequila, after drinking a glass of Red Horse, I got so drunk that I revealed all of my secrets. . . .