18 years old is the legal drinking age. Drink moderately.
Monday, September 29, 2008
About me
Siguro hindi pa naman huli ang lahat para ako ay magpakilala :]] wala lang, tinignan ko kasi yung profile ko dito kanina, walang nakasulat. The reason is because I'm too lazy to type anything informative about me, at mabilis magbago ang isip ko. Isa pa, hindi ko din naman alam kung interesado ba malaman ng tao kung anung meron sa buhay ko :) (so emoo) LOL

About me:

Ako po si Rouella Ellaine C. Macairan. You can call me ella, littlecut or whatever you prefer. Basta pag di ako tumalima (what a word) hindi ako yun :]] Paborito kong kulay ang dilaw at berde. June10 ang araw na lumabas ako sa mundong magulo. Taong mahilig sa kape, oo dahil siguro nasa kolehiyo ako. BS Computer Science ang kurso ko, at hanggang ngayon hindi ko alam kung anong ginagawa ko dito. Frustrated Nursing student ako, pero dahil ayoko nakakakita ng open wound at nanghihina ako kapag nakakakita nito, okay na sigurong keyboard at mouse ang hawak ko. Marami akong pilosopiya, puro teyoryang kangkong :P Ayoko pa ng reyalidad. Gusto kong maging bata habambuhay (hindi ko idol c peterpan). Madalas makikitang seryoso ang muka ko pero hindi naman ako laging galit, sabi lang nila yun! :]] Masunurin akong anak, kahit minsan hindi :) Mababaw ang luha ko, madali akong tumawa (kahit nuknukan pa ng kakornihan ang joke mo) at hindi ako athletic, tanggap ko na yun.

Dati pangarap kong maging doktor, hanggang ngayon pangarap padin sya :]] Gusto ko ng beach scenes (night mode) gusto kong tumititig sa kawalan, star gazing at moon gazing. Naaliw ako sa panunuod ng anime, chuck, greys anatomy, house, southpark, dexter's lab, powerpuff gurls, tom and jerry, spongebob squarepants at yung mga comedy shows. Ayoko ng ipis (lalo na paglumilipad) at gagamba (kahit maliit). Alam ko nilalang din sila at hindi ko masisisi kung bakit ganun ang itsura nila, pero please lang hindi ko talaga kayang ginagapangan ako ng mga yan :| Isa din po akong Bipolar, tama bipolar ako. :)) Optimistic akong tao, madaling impluwensyahan at walang pakialam :P Magulo ba?

Friendly ako :) kahit muka akong snob. Black looks good :]] Muka akong adik haha! I hunger for knowledge :P At isa akong dakilang random. Nagbblog ako dahil: wala akong magawa, galit ako, masaya ako, busy ako at dahil taga rdotcom ako :)

Minsan madaldal ako, minsan lang yun kaya makinig ka na lang sa mga kwento ko. Mas gusto ko kasing nakikinig. Hindi ako judgemental (O.O may ganun) pagdating sa pagkilatis ng tao :]] sauce! alam ko namang may kanya kanyang kwento ang buhay ng tao kung bakit sya naging ganun. Ako, wala akong maalala kung anung meron sa kabataan ko, parang nabura lahat simula nung maghighschool ako :| (grabe parang buong buhay ko na knkwento ko)

Anyways, sabi nila sarcastic daw ako, eh anu naman? :)) I love sarcasm bwahahahaha! pero hindi naman ako nagiging sarcastic kung yung tao kausap ko eh hindi kayang ihandle yung mga ganun conversations :P Madali akong makibagay sa paligid ko, pero hindi ako chameleon, ok?

Anu ba yan ang dami ko pang gustong sabihin. Pero tinatamad nako.
ay eto pala, ako po ay dakilang tamad. ayan.

Ahm Eto po ang about me ko 10% complete,
yung natitrang porsyento basahin niyo na lang yung blog ko.

wala pa po yung:
sex centered side
in L o v e :P
Yabang side LOL
Lutang
Sarcasticmode
MOODY
etc :]]
Daming pagkataong naiwan haha!
yung tamad ang sumulat nito :P

THANKS  FOR  READING  :)
posted by littlecut_ at 01:13 AM | Permalink | email this post | C(5)mments
sweetened by:
LOL
ok i'll be waiting for the next posts sis!

i lab this!
Posted by joyzEmissary at 12:50 PM, Monday, September 29, 2008 | Link | |
try this..
why not try medical transcription kung ayw mo makakita ng dugo.. hehe.. puro computer lang katapat mo nun..

nice post! ;D
Posted by stardustpris at 03:47 PM, Tuesday, September 30, 2008 | Link | |
hahahahahahahahahahahah
nakakatuwa tong post mo. really.
Posted by Matahari at 09:04 PM, Wednesday, October 1, 2008 | Link | |
waa 0_0
ang tagal mo na nagblog ngaun lang yan!

OK lang its not too late ayt?
Posted by kiahchii at 12:58 PM, Sunday, October 5, 2008 | Link | |
go here
go to mylink you will discover that most of the prob in phils is caused by the chinese! now

http://www.geocities.com/malaysareasianstoo
Posted by Anonymous at 11:10 AM, Wednesday, October 15, 2008 | Link | |


Add Creamer