Sa loob ng nakaraang tatlong linggo. (Eww)In the past three weeks of the month of hell (September). Marami akong kakilalang namatay (well kahit hindi kakilala). Dito sa lugar namin, bawat street ay may nakaburol, para bang may representative per street. Well, yung iba andun sa church at funeral homes (di ko alam kung anuman ang tawag dun). Dahil sa dumadalas na ang wakehopping ko, lagi kong napupuna na kahit patay ka na ay nakukuha ka pang pagchismisan ng mga taong pupunta sa mismong burol mo. Okay, siguro dahil wala naman silang mapag-uusapan pag patay kana kung hindi yung mga ginawa mo noon nung nabubuhay ka pa. Hayy, wala naisip ko lang pano pag namatay ako? Marami din kayang pupunta? Anu namang pag-chichismisan nila sa buhay ko? haha! Basta! ayoko ng boring na lamayan.
Kapag namatay ako: (wishlist version)
*Gusto ko color green kabaong ko.
*Gusto ko sa araw ng wednesday ako mamamatay.
*Gusto ko kape lang ang likidong iinumin ng mga taong makikipaglamay, bawal juice! kahit bata magkakape! >:]]
*Gusto ko sa loob ng bahay namin ako iburol, para feel at home padin ako :)
*Gusto ko sa lahat ng taong pupunta ay magsusulat ng note nila para saken, kahit hindi ko naman mababasa yun, okay lang, atleast nasabi nila :)
*Gusto ko Itim yung suot kong damit. (black looks good haha!)
*Gusto ko may soundtrip pag namatay ako. May malaking speaker sa tabi ng kabaong ko. (thursday: mga christian songs, friday: Good charlotte, boyslikegirls, the corrs (magiisip pako lol) mga kanata lang nila magpplay all day )
*Gusto ko sa saturday (last day ng burol) tribute day, bawat taong pupunta ay kakanta :]]
*Gusto ko ang pagkaen ay: fita, gummybears, boy bawang, kiss at egg sandwich.
*Gusto ko sa lahat ng taong pupunta ay nakasuot ng color green at black (kapag hindi ganun yung suot, nako! tatabihan ko! LOL)
*Gusto ko sa unang araw ng burol ay puro relatives lang :) may ganun? haha
*Gusto ko sa second day ay yung mga kaibigan ng pamilya namin ang pupunta haha
*Gusto ko sa third day ay lahat ng kaibigan ko
(Pag wala kayo sa schedule ng burol nako! ako ang bibisita sa inyo! LOL exclusive yan, dapat kung anung araw ka naka schedule pumunta dapat andun ka, kung maling araw ng burol ko napuntahan mo, bumalik ka na lang XD)
*Gusto ko board games lang ang lalaruin ng mga dadalaw (including yung mga bata, kung gusto nila mag snakes and ladders sila :]])
*Gusto ko walang iiyak sa araw ng burol, sa araw ng libing na lang, isang bagsakan lang :) pero kung di mo trip umiyak, oy! di naman kita pinipilit :]]] wala namang nakakaiyak pag namatay ako eh di ba?
*Gusto ko magpacremate.( Tapos yung abo ko isasaboy dun sa Faculty room ng CET (Sa loob ng PLM) wahahahaha, i'll haunt my f*cking professors LOL joking)
*Ayoko ng inuman at sugal sa burol ko. (-__- maawa naman kayo, pano ako makikijam nun? patay nako eh, wag niyo nakong inggitin! XD)
*Ayoko ng orchids. Kikay masyado :]] Bigyan niyo ko ng kahit anong berdeng bulaklak, please.
*Ayoko ng emo sa lamay ko.
*Ayoko ng tahimik na lamay.
^_^ haha! ang demanding ko LOL
Siguro, sa sobrang dami ng nasa wishlist ko, baka ibalot na lang ako ng nanay ko sa sako tas ipaanod sa ilog! LOL XD So pano? Punta ka ah?
(Note: hindi ko pa nais mamatay, naisip ko lang yan dahil september is dying month LOL WTF. Malay mo next week I'm next. LOL XD) Thank God I'm still alive :) Ang sarap mabuhay! :D
Have a nice day! ^_^
