word life...
narinig mo na ba yung salitang 'world-war'? eh yung 'word-war'? halos magkapareho lang diba? pero ang laki ng pagkakaiba nyan!
dati masasaktan mo ang isang tao sa pamamagitan ng paggamit ng baril o espada. pero ngayon, ang pinaka-epektibong armas para saktan ang isang tao ay sa pamamagitan ng salita. masasabi ko na ito ang pinaka-'da best' na sandata laban sa mga taong dapat masaktan. ang bawat isang letra na manggagaling sayo ay maaring makasakit ng isang tao. simple pero malupit kumbaga.
may mga salita na maaaring magustuhan ng ibang tao pero maaari ding makasakit. kung tutuusin, mas matalim pa ang espada kesa sa espada sa paraang magsabi ka lang ng kung ano sa isang tao. ang sugat na iniwan ng salita ay hindi katulad ng sugat na iniwan ng baril o espada. ang salita ay maaaring mag-iwan ng sugat na hindi madaling gamutin. at maaari din itong mag-iwan ng peklat sa pagkatao niya.
ang pagpapakita ng iyong nararamdaman sa pamamagitan ng salita ay magandang paraan. pero dapat marunong din tayo mag-control. kailangan natin maging sensetive sa damdamin ng ibang tao at respetuhin ang opinyon nila. sa ganitong paraan, maiiwasan natin ang hindi pagkakaintindihan or kung hindi, pwede naman tayo tumahimik diba.
ang katahimikan ay hindi kahinaan. sa pamamagitan ng pananahimik ay maipapakita mo ang iyong disiplina at pag-respeto sa opinyon nila.
tandaan mo tsong, 'lahat ng totoo ay magandang tingnan pero hindi lahat ng totoo ay magandang sabihin.' =)
Add Comment
Comments:
parang hagupit ng lang bagyong milenyo ang mga sinasabi mo weh...
sapul na sapul...keep it up
;]



