me, myself, and i..
sino nga ba ako? yan ang laging tanong ko sa sarili ko pag may nagpapa-describe ng sarili ko. masasabi kong wala talagang nakaka-alam kung sino ako o kung meron man malamang mabibilang lang sa daliri. siguro nga alam mo yung mga paborito ko, pagkain, laro, libangan, at kung ano-ano pa. pero kung tatanungin ka ng ibang tao kung sino ako, malamang ito ang sasabihin mo. "si Leo? joker yun, kalog, mahilig magpatawa, palabiro, tahimik din minsan.." sigurado ka kaya na ako ang tinutukoy mo? malamang mga maskara ko ang kilala mo. masasabi ko na hindi ako ang tinutukoy mo kasi ako hindi ko pa kilala yung sarili ko, ikaw pa kaya? maitutulad mo ako sa isang libro na walang bumabasa dahil marumi at punit-punit ang cover. kaya walang nakakaalam kung ano ang nakasulat sa mga pahina. walang nakakaalam kung paano ako umiyak, kung paano ako masaktan at kung paano sakyan ang trip ng ibang tao para hindi ko sila matapakan. wala din nakakaalam na sa likod ng bawat tawa ko ay may kalungkutan, sa likod ng ngiti ko ay may problema, isa akong payaso na ang problema at kalungkutan ay tinatago sa pilit na ngiti at pagpapatawa. ang gusto ko lang ay kilalanin muna ako bago ako husgahan na hindi ko kinakailangang magsuot ng maskara.. yan lang tsong.. masaya na ako.. walang permanente sa mundo, lahat mawawala sa ayaw at sa gusto mo..
Add Comment
Comments:
astig...cge lang...carry na
keep blogging :)



