18 years old is the legal drinking age. Drink moderately.

word life...

Jul. 15, 2007 , 03:02 AM

narinig mo na ba yung salitang 'world-war'? eh yung 'word-war'? halos magkapareho lang diba? pero ang laki ng pagkakaiba nyan!

dati masasaktan mo ang isang tao sa pamamagitan ng paggamit ng baril o espada. pero ngayon, ang pinaka-epektibong armas para saktan ang isang tao ay sa pamamagitan ng salita. masasabi ko na ito ang pinaka-'da best' na sandata laban sa mga taong dapat masaktan. ang bawat isang letra na manggagaling sayo ay maaring makasakit ng isang tao. simple pero malupit kumbaga.

may mga salita na maaaring magustuhan ng ibang tao pero maaari ding makasakit. kung tutuusin, mas matalim pa ang espada kesa sa espada sa paraang magsabi ka lang ng kung ano sa isang tao. ang sugat na iniwan ng salita ay hindi katulad ng sugat na iniwan ng baril o espada. ang salita ay maaaring mag-iwan ng sugat na hindi madaling gamutin. at maaari din itong mag-iwan ng peklat sa pagkatao niya.

ang pagpapakita ng iyong nararamdaman sa pamamagitan ng salita ay magandang paraan. pero dapat marunong din tayo mag-control. kailangan natin maging sensetive sa damdamin ng ibang tao at respetuhin ang opinyon nila. sa ganitong paraan, maiiwasan natin ang hindi pagkakaintindihan or kung hindi, pwede naman tayo tumahimik diba.

ang katahimikan ay hindi kahinaan. sa pamamagitan ng pananahimik ay maipapakita mo ang iyong disiplina at pag-respeto sa opinyon nila.

tandaan mo tsong, 'lahat ng totoo ay magandang tingnan pero hindi lahat ng totoo ay magandang sabihin.' =)

love, love, love..

Jul. 8, 2007 , 07:38 AM
ano ba ang feeling ng in-love? sarap diba? kahit wala ng matirang tao sa mundo basta magkasama kayo ng taong mahal mo at lagi kang nagpapasalamat kay lord dahil dumating siya sa buhay mo. lagi kang masaya, wala kang problema, kahit sigawan ka na ni ermat mo dahil hindi mo naririnig yung inuutos nya dahil iniisip mo yung taong mahal mo, nakangiti ka pa rin.. kaso, sa fairy tale lang ang salitang 'happily ever after' eh. darating din yung araw na susubukan kayo ng panahon kung gaano katibay ang relationship nyo, dadaan kayo sa maraming pagsubok, at kikilatisin ng tadhana kung sino ang bibitaw. matatag kayo kung walang bibitaw dahil mas matibay ang pagmamahal nyo sa isa't isa. pero paano kung bumitaw siya? anong gagawin mo? lalaban ka ba mag-isa o susuko nalang at tanggapin na wala na siya? hirap diba? yan ang pag-ibig tsong! hindi laging masaya. kaya magtira ka din ng pagmamahal sa sarili mo. at wag mo iisipin ang gagawin mo kapag nawala siya, ang isipin mo kung ano ang gagawin mo para hindi siya mawala. =)

interview..

Jul. 8, 2007 , 07:23 AM

galing sa isang songmag yung mga tanong dito, napagtripan lang itanong sakin ng tropa ko na banda din. dapat kasama ko yung mga kabanda ko habang sinasagot to eh, kaso ako nalang daw sabi ng nag-interview. well, enjoy lang tsong!

1. WHAT RELAXES YOU? tumambay sa isang lugar na ako lang mag-isa, tapus mag muni-muni ako doon with matching yosi.

2. PERFUME OR COLOGNE? kahit ano. kahit wala ako pabango ayus lang, hehe. pero mas ayos yung baby cologne.

3. BOXERS OR BRIEFS? boxers!

4. FAVORITE ASIAN COUNTRY? pilipinas! san ka pa?

5. FAVORITE RIVAL BAND? banda nyo! hehe.. pare-pareho tayong may sayad. pare-pareho tayong lakas tama pag tumutugtog.

6. I WANT TO BE ON A MAGAZINE COVER WITH: banda ko. pamilya ko. and of course siya..

7. MOST DESIRABLE FEMALE: angelina jolie! hehe..

8. MOST LOVED BAND: neruda and urbandub..

9. STRATEGY TO BE SUCCESSFUL: siyempre stay lang yung paa sa lupa. wag lalaki yung ulo.

10. MY LIFE BEFORE HAVING A BAND: tambay!

11. MESSAGE TO READERS: salamat sa pagwaldas ng oras sa pagbabasa nito! hehe.. stay safe! keep rockin'! muah, muah! tsup, tsup! ciao!

 

insomniac..

Jul. 8, 2007 , 04:26 AM
naranasan mo na bang mag-almusal sa tanghali, mag-tanghalian sa hapon, mag-merienda sa gabi at mag-hapunan sa madaling araw? kung hindi, malamang normal kang tao.. pero kung oo, insomniac ka din tsong! ewan ko ba kung pano ako naging ganito. wala naman akong pinagmanahan. hindi ko na nga matandaan kung kelan ako nagsimulang maging ganito eh. ang alam ko lang eh ala-una na ang pinakamaaga kong tulog, araw araw. sabagay masaya na din yung ganito, madami akong nagagawa na hindi ko nagagawa sa umaga. gaya nitong binabasa mo, 3:30am nung sinulat ko sa scratch to, tsaka napapanuod ko din yung 'HaLo hAlO' sa myx, yun lang naman pinapanuod ko sa myx eh, hehe. tsaka sa madaling araw lang nabubuhay yung diwa ko para makapag-isip. bampira na nga tawag niya sakin eh. teka, teka, teka. malamang nagtatanong ka na sa sarili mo kung ano-ano na yung pinagsasabi ko. insomniac ka din ba? ano feeling? share mo tsong! =)

me, myself, and i..

Jun. 14, 2007 , 12:46 AM

sino nga ba ako? yan ang laging tanong ko sa sarili ko pag may nagpapa-describe ng sarili ko. masasabi kong wala talagang nakaka-alam kung sino ako o kung meron man malamang mabibilang lang sa daliri. siguro nga alam mo yung mga paborito ko, pagkain, laro, libangan, at kung ano-ano pa. pero kung tatanungin ka ng ibang tao kung sino ako, malamang ito ang sasabihin mo. "si Leo? joker yun, kalog, mahilig magpatawa, palabiro, tahimik din minsan.." sigurado ka kaya na ako ang tinutukoy mo? malamang mga maskara ko ang kilala mo. masasabi ko na hindi ako ang tinutukoy mo kasi ako hindi ko pa kilala yung sarili ko, ikaw pa kaya? maitutulad mo ako sa isang libro na walang bumabasa dahil marumi at punit-punit ang cover. kaya walang nakakaalam kung ano ang nakasulat sa mga pahina. walang nakakaalam kung paano ako umiyak, kung paano ako masaktan at kung paano sakyan ang trip ng ibang tao para hindi ko sila matapakan. wala din nakakaalam na sa likod ng bawat tawa ko ay may kalungkutan, sa likod ng ngiti ko ay may problema, isa akong payaso na ang problema at kalungkutan ay tinatago sa pilit na ngiti at pagpapatawa. ang gusto ko lang ay kilalanin muna ako bago ako husgahan na hindi ko kinakailangang magsuot ng maskara.. yan lang tsong.. masaya na ako.. walang permanente sa mundo, lahat mawawala sa ayaw at sa gusto mo..