18 years old is the legal drinking age. Drink moderately.
Jul. 30, 2008
ALANIS MORISETTE - FLAVORS OF ENTANGLELMENT

so. alanis. nabuhay ka muli.

hindi naman ako hardcore alanis fan pero naniniwala akong lahat ng rakista dapat may kopya ng jagged little pill. essential yun. pero yung mga sumunod na album ni alanis, oks lang kahit wala na kayo nun, oks lang talaga.

actually, kahit itong album niya na kaka-release lang niya, etong flavors of entanglement, kaya mo namang mabuhay na wala sha. medjo electronic ang approach kasi buong album produced by guy sigsworth

ok, background info sa kay guy sigsworth at bat ko sha mahal: 1/2 sha ng paborito kong bandang frou frou, with imogen heap on vocals; producer sha ni bjork para sa mga albums niya na post, homogenic, at vespertine. Nag-produce rin sha ng iilang kanta para kay madonna, imogen heap, lamb, at kahit si bebel gilberto. suma total, trip na trip ko yung trip niya. idol, ang galing niyang musician and producer. idol, idol, idol.

ok, now back to alanis.

nung nalaman ko na si guy sigsworth ang nag-produce na album na ito, kinilig ako. as in kilig nene na parang first time nakatikim ng champoy - maasim na matamis na maalat na hindi ko alam kung pano ka magre-react pero alam mo ayus to ah! kilig! naisip ko kasi na ganito:

alanis + guy sigsworth = angsty older sister ni imogen heap
or
alanis + guy sigsworth = mas madaling maintindihan na bjork

at kahit alin man sa dalawa ang mangyayari, oks ang end result. kasi genius si guy, tapos intense si alanis. so parang ok na combo yun diba.

so ano nangyari sa album? hindi sha ok.

OK NA OK YUNG ALBUM.

para sakin lang naman yun. sarap ng angsty electronica na minsan gumagaan. simulan mo sa unang track, citizen of the planet. ayus, ethnic world-tronica alanis weirdness, pine-prep ka na para sa buong album. alanis pa rin, pero matured na yung sound, hindi lang organic guitars and all rakenrol, evolved na po si alanis, parang ganun ang mensahe.

may mga tunog frou frou talaga, hindi maiiwasan siguro - lalo na yung moratorium at giggling for no reason. tapos meron yung parang frou frou pero mas mabigat - straightjacket, versions of violence (actually para sakin mas tunog jem - 24  ito kesa frou frou pero parang halos ganun na rin yon heehee).

sulit kunin yung deluxe edition bonus disc kasi lahat ng tracks dun ok, lalo na dahil andun yung favorite track ko sa lahat, yung madness. ang galing, mellow yung boses ni alanis parang ang ganda tuloy. ganda pa ng lyrics. sensitive na sensitive yung pagkalikot ni guy sa lahat ng pinasok niya sa kanta, pinalitaw niya boses, hindi oa yung instrumentation. paka-emote ka dito, lalo na kung bagong break-up ka, sakto. luluha ka. naisip ko lang naman.

vocal maturity - yun talaga naisip ko sa album na ito. parang yung marami kang alanis na maririnig: may mabait, calm, may galit, bwisit, intense, may magaan lang ang kantahan pero may mga tamang biritan lang. exciting. enjoy.


posted by lotte at 12:35 PM
Permalink | email this post | Comments(0)
Add Comment
Comments:


Add Comment