18 years old is the legal drinking age. Drink moderately.

peek!

Aug. 29, 2010 , 04:40 PM
I hope we can rekindle our old flame and go back to the start..I missed you...

Fire.

27 August 2010 , 8:52 PM
Two days ago, I realized something that will probably change my life forever. Out of downloading one e-book of pure inspirations (photography, literature, and graphic design), I knew what I want in my life. I felt so moved seeing accomplishments of other people, some of which are just in my age group. I wanted to be like them.

The problem with me, as I see it, is tardiness. I'm lazy. It's a disease. Contagious. It eats all the inspirations in your heart, and adds up more frustrations. I realized the need to fight this disease, especially now that I'm almost graduating, and I feel like I've done nothing that I really want, all because I feel lazy.

A graphic designer. That's what I want. That's what I've wanted for so long, but I forgot. I don't know how but I lost the passion for it. I blamed my course, my school, my studies, my parents, my lack of money, but in the end, all there is to blame is myself. So now I am trying hard to bring back that passion in my heart. I now have a goal in my life, and I'm learning. I hope it's never too late.

Chad said I should take it slowly. We all know how I tend to be too dreamy and naive. So I'm taking it one step at a time, and this blog post will be my first step (the acceptance stage), and maybe the last for this site. See ya latur blog! xo
posted by Loraine
(0) Comments | email this post

2 days after my last day..

Aug. 24, 2010 , 05:35 PM
yeah.

its been 2 days now..bukas kukunin ko na yung letter para sa intro ko sa southmall..at bago ako tuluyang lumipat may mga tao lang akong dapat pasalamatan sa dasma..

To Sir Randy aka Sergio Santibanez
Salamat Sir sa lahat. Kahit na sobrang pinasasakit ko ang ulo nyo during those times na sa department nyo pa ako nag stay. Masaya po ako dahil sa kaunting panahon po na nakasama ko kayo madami po akong natutunan.

Sir Jo,Sir Ogie
Salamat po sa pagtulong sa akin sa mga bagay na di ko po alam at salamat din po sa pagpapasensiya..Sayang fishball na nga lang kaya kong ipanlibre wala pa po kayo haha..

Kay Raymond at Ariel
Salamat kahit pinahirapan ko kayo nung time ng bilangan ng items na hawak ko.. :D

Sa Opening at Midshifters (TFY,Owen,v-tech,prokids,looneytunes,ai-non,evenflo,pigeon,precious)
Kung may nakalimutan ako,pasensiya na pero salamat dahil kahit bago ako maganda pa din yung pakikisama nyo sa akin.

Sa Closing (Chicco,Avent,Bedtime,Farlin,Disney,Sesame, at kay Joy)
Sobrang saya ko na kayo yung naka shift ko,kasi nawawala yung pagod ko tuwing breaktime..nakakawala ng stress haha..sobrang salamat sa mga payo nyo guys lalo na kay ate cora na naiyakan ko pa dahil sobrang pressure na naramdaman ko nun..Next time di lang talong na may bagoong at tahong at hindi lang fishball ang kakainin natin..Love you guys sobrang mamimiss ko kayo..

I maybe one ordinary acquaintance,pero sobrang saya ko na kahit first time ko sa field na ganito,naramdaman ko yung existence ko sa warm ng pakikisama nyo..Sana kung meron pang pagkakataon maka trabaho ko ulit kayo.

Sobrang THANK YOU SO SO SO SO.. (i miss you disney.haha..)

Eto po yung number ko: 09326156817 txt txt na lang po tayo..

See Yah Baby Company Dasmarinas,I'll absolutely miss y'all

Paboritong Itlog

Friday, August 6, 2010 , 11:36 PM

“Paboritong itlog, paboritong noodles..pinagsama ngayon..” Nagriring ang selpon ko! Habang nasa job interview ako, nagpanik ako at di ko tinignan kung sino ang tumatawag at bigla ko na lang pinatay. “maybe that’s how I’ll remember you..” sabi ng interviewer sabay tawa…haaay buti na lang mabait sya. Pero hindi ko matandaan kung anu yung sasabihin ko, bigla akong nawala sa wisyoat iba iba na ang napatunguhan ng sinasabi ko..pero oo lang ng oo ang interviewer, siguro nagkaintindihan kami, na parehas kaming hindi nagkakaintindihan hahaha!

Hi blog! I’m back! At oo sa word ko nanaman ginagawa itong sinusulat ko, kasi napuputol ang connection namin ng internet kaya kung gusto ko ng safe dito nako sa word lols. Di ako makamove on dun sa interview nay un, dahil na brainfreeze ako sa sobrang lamig ng kwarto na pinag-isteyan namin. TInatanong ako kung paano daw ako naglalabas ng stress. Ahm. Sunod na tanong kung may isports daw ako. Gusto ko sanang sabihing chess baka sabihin ni ate pageek lols eh wala naman talaga akong fitness game interaction sa buhay ko for at least past three years. Halos lahat computer related. Kung gusto ko maglabas ng stress merong O2mania, smash keyboard (facebook) at mahabang makabasag tengang soundtrip. At syempre, blog :)) sige na nga blog kasama ka na hahaha

Bakit ganun? Yung mga inaabangan kong tanong hindi tinatanong sakin. Tulad ng; Bakit may butas ang donut? Paano mo sasabihin sa bulag na asul ang ulap? Paano mo sasabihin sa bulag na nakalimutan nyang magpantalon ng hindi mo sya mao-offend? Yang mga ganyan…kayo ba natanong na ng ganyan? Ako kasi hindi pa, pero naiinggit ako kung natanong na sayo yan. Anung isinagot mo? Ang mga tanong kasi na ibinabato sakin ay situational din, pero syempre related sa field ko. Tulad ng; Anung gagawin mo kung may nakita kang dapat baguhin sa program at sinabi ng boss mo na wala kang dapat baguhin? Anung gagawin mo kung kailangan ng ipasa ang document pero hindi pa napapolish ang program at sabi ng boss mo na pwede na yan? Yung mga yan boring na question eh. Boring times 2 times 2 times 2.

Pagkatapos ng unang interview, may part two agad. Naninigas na ako, sobrang lamig! Wala akong sweater or jacket na dala. Mali ang anticipation ko na hindi ko kakailanganin ng kahit anu sa mga yun. Maling mali. Parehas lang sila ng tanong. Para akong sirang plaka, paulit-ulit, habang nakangiti, ang effort ko lang. Sabi kasi ng prof ko muka daw akong masungit, kaya ayun, smile! :)) Nanginginig na ang bibig ko kakasalita sa sobrang lamig napansin na nyang nagffluctuate halos lahat ng sinasabi ko kaya binilisan na nya ang interview. Whew. Sa wakas, natapos din… They’ll call me for final interview.

All is well. Hay blag.

Sige na goodnyt…byieeee!!

posted by littlecut_
(2) Comments | email this post

Ameba Pico and some.

3 August 2010 , 9:18 PM
It's been two days lang pero naaadik na ako sa isang laro sa facebook. Ameba Pico! Ang cute kasi. Naalala ko gaiaonline days ko. Yun bang pupunta ako ng park tapos mangaaway lang ako at magpapakaepal, tapos bigla akong magkakaron ng friends. HAHAHA! Saya!

So far masaya, kahit onti pa lang sa friends' list ko ang merong Ameba Pico. Katuwa kasi pwede mo din siya laruin ng stand alone so di mo na kailangan umentrada sa FB. Ayos na ayos pampaubos oras. Siguro pagsasawaan ko din siya pag tumagal tagal, pero at least may ginagawa ako at naiiwasan ang pagiisip ko masyado. Feeling ko kasi napakastressful ng senior life at nagiging worrier ako masyado sa takbo ng pagaaral ko lalo kapag wala akong ginagawa.



Ayun! Ang name ng char ko: Pakwanskie. HAHAHA! Pakwan kasi ang tawag sakin ni boypren eh. HAHAHA! Isa pang advantage ng larong to, nageenjoy ako at may pinagkakaabalahan habang si boypren ay busy sa kanyang pag-aaral. Nagpipico din siya, so meron kaming something in common na! Pareho kaming may PICO!

Speaking of boypren, may pustahan kami ni Super Pagong ngayon. May exam kasi siya tomorrow so kapag lumagpas sa 60+ ang raw score niya, kailangan kong magluto ng Chicken Adobo para sa kanya. HAHAHA! Kaya ngayon naghahanap ako ng chicken adobo recipes sa internet. FYI, Wala akong alam sa pagluluto. HAHAHA. Kapag naman bumagsak siya, ililibre niya ako ng paborito kong spageti. Oyea. Eh ayaw ko namang bumagsak siya so ngayon pa lang inaaccept ko na ang pagkatalo kaya inaaral ko na ang recipes. OHHHHSNAPP!

Ayun lang. So bukas, pasok na naman ako sa school. Two days lang kasi pasok ko this sem, so mas marami akong time na inaaksaya kesa sa time na ginugugol sa pagaaral. Dapat nga inaasikaso ko na thesis namin ngayon para hindi kami magahol sa oras, pero di ko alam kung bakit pero kulang ang motivation ko sa buhay. I'm always ending up worrying lang but still wala pang nasisimulan. Petix. HAHAHAHA! Kaya yan!

Aja. Dito na lang muna. //end
posted by Loraine
(0) Comments | email this post

Sorta kinda like maybe, idk.

3 August 2010 , 12:18 AM
Dahil isa akong malaking inggitera, at gusto ko din ulit maibalik ang kahapon, magbblog din ako ulit dito sa rblogs! Weee. It's been a while. Kay dami nang mga naganap sa buhay ko na hindi narecord ng blog na to. But it only means that I'm allowing myself to grow, and sometimes you have to let go of things and try others, para hindi ka lang nakastay sa isang box, and marami kang matutunan. Ok, I was blabbering non-sense. HAHAHA!

Namiss ko bigla ang saya ng pagbblog dito nung nakita ko ulit sa fb yung link ni ITLOG IDOL announcing her comeback here. Nox. Wala lang, hindi din kasi ako busy sa ngayon, at mejo nasa mood para magubos ng oras. Ako na talaga nakikiuso. HAHAHA!

Napansin ko sa mga last post ko sobra ako kung makaemote. Ginawa ko din palang outlet ng kaemonyohan tong blog na to. Kaawa awa. Tsk tsk. Nakakatuwang isipin na natatawa na lang ako sa mga pinagsasasabi ko dati. HAHAHAHA!

Update update na lang din siguro ako dito minsan kapag sinipag or kapag may time. Inabandona ko na din yung iba kong accounts kasi feeling ko wala namang kwenta na or wala nang nagbabasa.

Goals ko sa ngayon:
  • Makaabot sa G R A D U A T I O N sa March. (pero bago yun sana makapasa sa thesis)
  • Makabili ng dslr, tripod, drawing tablet at scanner.
  • Makabili ng kotse at matutong paandarin ito.
  • Matupad ang dream pad namin ng boypren ko, at makasama siya doon. :">
Image and video hosting by TinyPic
Ayan kami ni Super Pagong Chad Lightyear. HAHAHAHA!


Dito na lang muna. //end
posted by Loraine
(0) Comments | email this post

Hello rblog!

Monday, August 2, 2010 , 10:05 PM
I returned! :))) Binalik ko din yung una kong layout edit dito, buti na lang at may kopya pa ako sa email ko! Ginawa ko ang layout nato exactly 2 years ago, nakakatuwa, amberde kasi at syempre madaming memories! ;;))) Bakit nga ba ako nandito muli? Hindi naman ako napilitan. Napag-usapan lang namin ni pollax at ni patisyahu na magbalik loob dahil namimis na namin ang mga krblags namin dito. **kaway** hay aym bak! Asan na kaya yung dalawa? Andito na me, wer na you? Andito padin pala si ate khai, si ate joyz nawawala...:))) Oh well, hindi ko din naman mappramis na lagi akong makakapag-update dito dahil sa mga egg blags ko... Pero magppost padin ako dito, kasi feel at home padin :) Ciao!
posted by littlecut_
(2) Comments | email this post

may trabaho na ako :D

Aug. 2, 2010 , 09:22 AM
salamat,dyusko..
sa lahat ng hirap,grabe
dapat dati ko pa pinost toh eh,kaso ngaun ko lng naalala haha..pagkatapos ng tempo ko sa sm dasma,ililipat din ako sa southmall,sayang nga lang mas mapapalapit sana ako sa house nila jay kung sa dasma ako..pero ok lang kasi kung sa southmall ako mlapit naman ako sa bahay ng aking bespren na c joyz..

oha oha.

kaso medyo magtitipid na ako ngaun..kailangan mag ipon para sa future :D

saang direksyon na ba ako papunta ngayon?

Jul. 25, 2010 , 12:52 AM
Naiisip ko palagi kung saan na ba ako lulugar o saang direksyon ko ilalagay ang sarili ko. Masasabi ko hindi ako perpektong tao, sa edad kong 19 marami na akong naging maling desisyon na akala ko ay ikasasaya at ikabubuti ko pero mali pala. Nga naman sabi nila wala namang perpektong tao... Naguguluhan lang ako sa ngayon pero siguro kailangan ko lang magpakabusy at mag try ng bagong mga bagay. Sa ngayon sumuko na ako sa isang parte ng buhay ng tao ang lablayp, siguro may mga dadating pa pero ewan ko kaya ko pa kaya magmahal? So whatever I have now I'll enjoy it. Ayoko na idown ang sarili ko para sa kanya.... OJT muna, tapos academics, graduate, hanap trabaho, hintay ng priority date ng petition namin nila mom (w/c is I hope malapit na at sana hindi pa ako 21 nun), tapos trabaho na naman, trabaho parin. kung wala talagang para sakin eh bahala na si batman. sa ngayon iiyak ko nalang to.... Come what may.

teddy is dead :(

Jul. 21, 2010 , 09:29 PM
kaninang hapon pumunta ako sa veterinary kasi sobrang mahina na talaga si teddy.ilang days na siya may sipon at ilang days na din di kumakain ng madami.pagdating namin sa veterinary,sabi nung doktora na tumingin sa kanya,need lang daw pakainin ng gerber (baby food,using syringe kasi di talaga siya kumakain pero nakakainom naman ng tubig) saka yung binigay nyang gamot para sa sipon nung rabbit..nung nabili ko na yung mga yun nagmadali akong umuwi sa bahay para pakainin siya..nakakain naman siya nung gerber and then saka ko inapply yung gamot nya sa sipon..habang iniinom nya yung gamot bigla na lang niya binuka-buka yung bibig nya,hininto ko kagad yung pagpapainom sa knya nung gamot tapos pinapainom ko siya ng tubig..nagpaulit-ulit ng pagbuka ng bibig si teddy..sabi ng kuya ko hayaan ko lang daw muna ihiga baka naninibago lang sa lasa ng gamot.after 5-10mins namatay si teddy sa lap ko habang hinihimas himas ko yung tiyan nya :(

hanggang sa nakakuha na kami ng box kung san siya ilalagay karga karga ko pa din siya. :(


sorry..kasalanan ko :(

teddy :(

teddy's coffin


kung alam ko lang sana di ko na siya pinainom ng gamot :(