18 years old is the legal drinking age. Drink moderately.

Sometimes my mind plays tricks on me...hoohah

Ekos The Confused,Shredded and Infiltrated

May. 6, 2007 - Sumilip lang

Natapos na ang April at napakadaming nangyari...Madaming MASAMANG nangyari.Oo,madami talaga...ayaw ko na nangikuwento eh,buti naman ngayong May madami din naman nangyari.Sa ngayon di muna ako magkukwento,madali lang kasi ako,nag-ckeck lang ako ng blog,may konting changes na ginawa...tsktsk,gusto ko na nga magiba ng layout!Kaso wala ako masyadong oras ngayon,sa susunod na lang!
Comments (0) :: Post A Comment! :: Permanent Link

Apr. 17, 2007 - Summer classes,Mis-adventures...Poopy April!wee

Tagal din naman ako di nakapag-update neto ah...huli ko pang update eh may prublema pa ako nun,pero nakalipas na yun,naayos ko na.hehehe

Wala ako masyadong ginagawa ngayon...nung mga nakaraan na linggo eh ako eh pakulong lang sa bahay,walang ginagawa,panood-nood ng t.v.,pakutikutingting ng kung anoano,pagalaw-galaw ng cellphone..alam mo na,gawain ng walang magawa,hehe..Yung cellphone ko nga pala eh kinumpiska nung isang linggo..nakuha ko din naman,ehehehe..konting palusot at pabait ayun balik sakin!ahaha

Bihira naman akong lumabas ngayon,nalabas lang ako pag magkikita kami ni ano.. 

O kaya naman eh magmamaynila,eh nung isang maghohotel sila eh di na naman ako sumama at tatamarin ako dun..wala akong kausap,puro bata ang kasama ko!ahahaha grabe pag wala ako ang pinakamatanda siguro sa aming magpipinsan(sa parte ng nanay) eh walung taon...hahaha,ang tanda naman.

Nung isa namang hotel namin ay isang malaking pagsisisi..tama ba namang mag-hotel ng mahal na araw?! ayun wala din kaming napuntahan!lahat ng tindahan SARADO! Pambihira talaga oh...Ah Ah...ayun ang aga naming umuwe,natulog nalang din ako sa bahay..hehehe,tapos yung iba naman naming kamaganak nun may pinuntahan na

Ahhh............ano pa nga bang mga nangyari,ah! lagi nga pala akong kinukulit ni jc..pagnagyaya naman,laging wala sa timing,pag sya nagyayaya di ako pwede,pag ako naman nagyayaya...aa naman,anu baga yon,hehehe.Tapos...tapos...tapos...ayun,laging paulit-ulit lang ang nangyayari,hehe di naman masyado,ayun may bumatok nga pala sa akin sa SM Lipa..hehehe,babaeng puge,hahaha kilala mo na kung sino ka!hehehe...Kakasimula lang ng regular classes ng summer class ko ngayon,ah ah! mukhang wala akong makakausap dun eh!puro ba naman 2-f ang mga kasama ko!eh puro ngukngok yung mga andun!lalu na yung isang kasama ko sa klase!grabe!yung mukang maligno kasama ko!!!!ahahah,kanina ngang break time mukha akong batang nawawala,mag-isa ako dun sa isang table,hehehe...di naman kalahatan ng kasama ko e 2-f yung dalawa hinde..pero parang malabo ko din makasundo...Buti nga pang-umaga ang klase ko 8am-12pm...Free na ako sa hapon! hahaha tapos di pa daw magbibigay ng assignment ang teacher namin..kaso laging may quiz,hahaha..ayus na din yung ganun kesa nakakulong sa bahay tulad ng last summer ko!ah ah!grabe lagi nalang akong nakakulong sa bahay nun!Nun ako naging active sa rakista.com eh..ngayon di na masyado gawa ng wala ang laptop sa bahay..gamit kasi ni erpat sa indonesia,sa May 7 pa ata ang uwi..hehe ayun,tsaka kahapon na yata ang pinakamasaya kong Monday sa buong buwan ng April!soooooooobra!!!kasama ko kasi ulit si <3 Eh grabeng namis ko yun!kaya ayun..hehehe...Tapos naisama ko na din si jc sa wakas!!haha,yun punta kami sa lagi naming pinupuntahan ang lungga nila ritchel..heheh sumama din si darwen,dapat nga ang plano sabay-sabay kami ni <3 at ni darwen..eh nung tinawagan ko eh tulog pa..kaya ayun sumunod nalang.Si jc naman dinaanan nalang namin..hehe ayun.

Basta madami pang mangyayari sa lintek na buwan na 'to!hehehe

Sige sa susunod na ulit! ^^

Comments (0) :: Post A Comment! :: Permanent Link

Apr. 3, 2007 - Self-renovation is what i need

Lahat ng tao nagkakamali...dahil wala namang perpektong tao,lahat tayo nagkakamali.May mga taong gustong magbago dahil natuto na sila,at may mga tao din na hindi nadadala sa kanilang mga pinaggagawa.Di naman natin sila masisisi dahil buhay nila yun,wala tayong karapatang makialam.

Sa lagay ko,madami na din akong nagawang masama...at sabi ko,magbabago na ako,natuto na ako sa mga ginawa ko,nakasakit na ako ng madaming beses,ginago ko ang kapwa ko at nagpabaya ako sa pagaaral..oo,ganyan ako ka-sama.Pero alam ko sa sarili ko na may natitira akong kahit konting bait. Alam naman natin na ang pagbabago ay mahirap dahil minsan,dapat mong tanggalin yung mga nakasanayan mo sa buhay...pero kung yun ang ikabubuti,dapat mong gawin yun kahit mahirap.At eto ako ngayon nag-bago na,dapat sa ikabubuti ko ngunit kabaliktaran ng gusto kong mangyari ang naganap.

Nag-iba ang ugali ko,walang ng nakakakilala sa akin,kahit ako,di ko nakilala ang sarili ko.Nung una,hindi ko malaman kung bakit naging ganun. Madami din nagbago sa paligid ko dahil sa katangahang ginawa ko.Pati sya,naguluhan din,kaya eto kami ngayun,cool off...Kaya nagisip ako ng mabuti at buti naman....nalaman ko na ang prublema ko,binigla ko ang sarili ko,dahil dun mali ang kinalabasan...tsktsktsk.Nung mga nakaraang araw talagang sobrang gulo na ng isip ko,hindi ko na alam ang aking gagawin,malapit na akong sumuko...Pero may nag sabi sa akin na walang problemang di nalulutas,wag mawawalan ng pagasa,kaya ayun medyo naliwanagan na ako sa sarili ko...

Mas maayos ako dati,ang dapat ko lang talagang gawin ay ibalanse ang lahat.Pero siguro kelangan ko pa din ng konting oras.Pati kaming dalawa,kailangan din namin siguro ng oras,medyo naguguluhan parin sya,pero aatayin ko sya kahit gaano pa katagal,di ko naman sya minamadali...Sana naman maayos na 'to

Salamat nga pala sa mga kaibigan kong tumulong at nag-criticize sa akin

 

Buhay nga naman...........

Comments (0) :: Post A Comment! :: Permanent Link

Apr. 1, 2007 - Nakakamanghang linggo naman!

Ayan tapos na ang march!ay walangya!!!ang daming nangyari!!ahahahaha tulad na lang nung sa iskol,akuy lagot at magsusummer ako,yaan na,katangahan ko ang nagpasok sakin sa ganun eh! grounded ako ng matagal na panahon...yare!yaan mo na,di naman buong bakasyon eh summer classes,konting tiis lang yan...tapos nagkagulo pa kami,gawa ko na naman...tsktsk,kaya ayun,ako nagsimula dapat ako din ang magtatapos,kaya ayun,pinatawad nya din ako...hay...ayaw ko nang maalala yun,kung di ba naman ako tanga,tsktsk.Pero yaan na natin yun,nakaraan na yun,at natuto na ako sa mga kamalian ko,ang mahalaga yung mga mangyayari ngayun at kung ano ang mga dapat kong gawin.

Ayun,andami talagang mga nangyari nitong linggong ito,at simula na naman ng bagong linggo,ahahahaha,gagawa na naman ako ng mga bagong katangahan,hahaha juk.Dumating kahapon yung mga kamaganak nameng balikbayan...ayos 5:30am na ako nakatulog,hahahaha at eto ako ngayun,nasa bahay ng pinsan ko,buti nga nakadsl dine abay buong araw na ata akong tutok sa pc! lahat sila nagpuntahan sa lipa...nagpaiwan na lang ako,nakakatamad na naman dun,paikot-ikot lang dun!aba'y dine na lang ako,hahaha.Dapat nga ngayun magkikita kami ni Jc sa bayan..eh di ko agad sya na-inform ayun pumuntang bayan,nagaantay sa wala!kung wala kuya nya ay siguro hanggang ngayon nagaantay parin yun sa hangin!ahahaha...sige..dito na muna at wala na ako maikuwento,bahala na kung ano mangyari!

Comments (0) :: Post A Comment! :: Permanent Link

Mar. 28, 2007 - Wala namang bago ngayun...

Eto na naman ako,magkakalat...wala na naman ako masyadong maikukwento,gumawa lang ako ng project na sana ay nakakapagayos ng grades ko,sana maayos yun. Kasama ko si darwen kanina tsaka dun ko na din ginawa ang project ko...ala walaako maikuwento sa susunod nalang ^^

Comments (0) :: Post A Comment! :: Permanent Link

Mar. 27, 2007 - Ay nako...

Dahil sa aking sobrang kapabayaan sa pagaaral,bumagsak ako sa science...tanga ko talaga,sana maayos nung papagawang project,hay..... Di ko pa nakikita ang ibang grades ko,sana hindi sila bagsak,tsktsk

Comments (1) :: Post A Comment! :: Permanent Link

Mar. 26, 2007 - Tapos!hahahaha

Nangyari na ang pinakahihintay kong swimming! ahahahah at napakadaming nangyari....may masama at may maganda!ahahaha di ko alam kung ano uunahin ko eh!!!!

Unahin ko na lang yung magaganda...hahaha

Nung umaga,pumunta muna kami ng bayan kasi magkikita kami at bibili ng mga kakainin,kaming dalawa lang ni jonatan ang nandun at aantayin namin si diane sa jolibee nang bigla ko na lang naisipan na pagtripan namin si <3....ehehehe ang sama namin no?ahahaha ang ginawa namin pumunta kami sa mcdo at kumain tapos inantay namin sya na pumunta sa loob ng jolibee...tapos nung nasa loob na sya,tsaka kami pumunta sa entrance ng jolibee at sabi namin...."Ba't pumasok ka pa jan eh nasa labas lang kami!tinatawag ka namin di mo kami pinapansin!" ayun..napag sasapok kami,ahahahaha. Tapos nun,pumunta nang lc kung san magkikita,kumuha pa ng test si puto sa sci kasi di pa sya nakakakuha tapos ang score pa eh 9 OUT OF 60 Ay walangya na!ang taas!!!! ahahahaha tapos ayun sumama,eto pang si jonatan pahiya kanina...may isang room na sinipa nya ang pinto,ang hindi nya alam MAY NAGKAKLASE DUN!..Kaya ayun pinagtinginan,hahahahah tawa kami ng tawa nun.Tapos nung nasa resort na.May dalawa agad akong nabiktima sa pool!ahahaha,una si puto...tinulak ko!laglag!!ahahaha tapos sunod si <3!!laglag din!!ahahahah dapat nga ako ang tutulakin nya eh naunahan ko!! ahahahaha ansaya...basta madami talagang nangyaring nakakatuwa kaya ang saya ko ngayun!!

Eto naman yung mga nakakaasar na mga pangyayari...

Gawa netong si jonatan...nabangasan ang binti ko,sabagay kung di ko hinubuan si jinatan eh di mangyayari yunduguan ayun pina gamot pa ako ni <3 eh sabi ko wag na,pero pumayag na din ako para sa ikabubuti ko naman yun eh,ahahahaha...eto pang makulit! nilagay ko yung cellphone ko sa bag ni darwen kasi magsiswimming ulit ako...eh paalis na si darwen nun...nung nakaalis na sya,bigla kong naisip..."ANAK NG KAWALI!!!! CELLPHONE KO!!!" Ayun kung kanikanino pa ako nakiteks para makuha cellphone ko!ahahah naubos pa load ni tina gawa ko!ayun gastos pa papunta kila darwen!!!ah ah! nakuha ko naman,ehehehe. hayaan na kasama na naman yun sa mga katangahan nitong araw na to!!

ang saya ko talaga ngayun! salamat sa 2-d!!!! lalu na sa'yo etots!!! 452298

Comments (0) :: Post A Comment! :: Permanent Link

Mar. 25, 2007 - Swimming na!!!ehehehe

Ay walang hiya na...ang tagal naman mag-lunes! may swimming kasi!ahahahah salawan na naman to!!! alala ko pa dati nung swimming namin nung grade.6 naospital pa ako kasi naghahagisan kami ng mga bote ng coke na may tubig..eh natamaan ako ng malakas sa ulo,ayun,diretsong ospital!ahahaha hinding hindi na mangyayari yun!hahahaha.

Ano naman kaya ang mga dadalihin ko?ewan,bahala na ehehehe

Yan lintek wala na ako masabi! sa susunod na! babay! walang kwenta talaga tong blog ko...tsktsktsk

Comments (0) :: Post A Comment! :: Permanent Link

Mar. 23, 2007 - The Last Day Has Come!

DUMATING NA NGA

Eto..dumating na nga ang last day nga class...tsktsktsk,madami nangyari ngayun..halos lahat nakakagulat!tulad kanina...ala ayaw ko na ikwento,hehehehe..pasensya na.

May halong saya may halong lungkot.Kanina pumunta kami sa bahay ni ritchel,gumawa ng kung ano-ano,nagdagasa pa ako sa skateboard at nadumihan ang damit ko,white pa naman...tapos kanina dapat tutugtog kami kaso umalis si reuel agad,hehehe.Tapos nagbigayan kami ni +_+ ng remembrance sa isa't isa,ayun..lalo ko tuloy na miss.May swimming kami sa Monday,ewan ko kung sasama ako kasi kasama yung kaklase naming mutant..hehehe pero kung sasama si ano.... sasama na din ako!hehehe,yan muna maikwekwento ko

Hanggang sa muli! ^^

Comments (0) :: Post A Comment! :: Permanent Link

Mar. 22, 2007 - Last day bukas...awts

Last day na ng school bukas...sa iba masaya,pero sakin hindi.

Bukod sa sabit na grades,may isang taong mamimiss ko ng sobra....

Madaming mawawala..hay.Gumawa ako ng listahan ng mga gagawin ko sa last day.Pero kelangan ko muna mag-aral!may mahabang final exam kasi sa science,cover to cover...nakakaasar!

Isa nga pala sa listahan ko ang paggawa ng blog...kaya ginawa ko to,napaaga nga lang kasi dapat friday ko na to gagawin.Sana maupdate ko to lagi,hehe

 

ayun...sa susunod ulit

Happy vacation sa lahat,ewan ko sa akin

Comments (0) :: Post A Comment! :: Permanent Link

Yes,i'n just plain annoying

The Confused Kid

We Are But The Face Of Those In The Toilet

«  March 2010  »
MonTueWedThuFriSatSun
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031 

Places to waste your time..:]

Home base
My Neurotic Profile
Boring Archives
Social Creatures
Mail me!
Friendster
DevArt

Links And Kudos

=| hoopla
=| hoopla
=| hoopla
=| hoopla
=| hoopla