18 years old is the legal drinking age. Drink moderately.
Dec. 12, 2008 06:59 PM
Sa wakas, nakaraos din ng dalawang araw sa trabaho.
Hindi ako masaya, hindi rin malungkot.
Ano nga ba ang nararamdaman ko? Ewan.
Pero marami akong naiisip.

1. Kailan ko kaya magagawa yung ginagawa nung mga bossing ko? Parang ang huhusay nila. Yung mga concerns sa ATM, mga computer terminal, mga modems at kung ano ano pa ay alam na alam nila ang gagawin. Ako, parang di nag-aral ng limang taon. Haha! Kailan kaya ako papayagang sumagot ng tawag? Kailan kaya ako may gagawin? Ayoko ng walang ginagawa, para kasing sayang yung sinusweldo nila sakin. At isa pa, wala akong natututunan.

2. Napakamahiyain ko talaga. Madali akong makisalamuha sa mga mas bata sa akin pero hirap akong makipagusap sa mga mas matatanda. Kaya ang nakaclose ko ay yung mga OJT. Hay sus. E karamihan pa naman ng mga kasama ko ay mga mas matatanda sa akin. Naiinis ako sa sarili ko kung bakit ako ganito. Pero malalampasan ko to. I believe. Kaya ko to. Kakapalan ko na ang mukha ko. Haha!

3. Kailangan ko ng umastang propesyunal. Kailangang Kailangan. Huwag magoopo. Dapat, YES SIR/MAAM.

4. Alam ko na kung bakit panlalake yung trabaho ko. Dahil kailangang magbuhat ng mga PC at kung anuano pa. Kayang kaya ko naman yun, basta wag lang akong nakaheels at nakasapatos na patulis.

5. Mahal na mahal ko ang boypren ko. Nakakatuwa kami. Sa ilang mga taon ng pagsasama namin, hinding hindi pa nagkataon na pareho kaming wala sa mood. Malungkot ako kaninang umaga dahil wala akong sariling cubicle at wala akong mapwestuhan at wala akong makakasama at wala akong gagawin pero ang sabi niya ay "Maswerte ka nga wala kang ginagawa pero may sweldo ka. Yung iba, ang hirap ng ginagawa pero maliit ang sweldo. Look at the bright side." Natawa ako at nangiti dahil hindi nageenglish ang boypren ko pero nagenglish sya kanina. Haha! Gusto ko na siyang mayakap muli.


6. Mababait ang mga bossing este teammates ko. Haha! Sila sir henry, sir angel, sir paul, sir alex, mam monet, sir irwin. Pati sila bossing sir ricky at mam weng. Labyu ol. Thank you Lord dahil mabuting mga tao ang hinayaan mong manghimasok sa buhay ko.


 
Dec. 10, 2008 06:51 PM
First day ko na sa work bukas. Ang gara nga e, huwebes.
Hindi ako excited, sobrang kinakabahan ako. Nakakatrauma kasi yung dinanas ko sa kamay ng mga taga La Salle dati nung nagOJT ako sa Globe. Ipinakilala ako sa kanila nung secretary tapos ang sabi ba naman nila ay "Sige, hindi kami friendly e". Natawa na lang ako nun, nagaraan kasi ako sa gaspang ng ugali nila. Haha! Sana naman may makasundo ako bukas.

Isa pang dahilan kung bakit ako hindi excited ay dahil apakaliit ng sweldo ko. Putek. Buti na lang 3 months lang.

Walo kaming ihihire nila at pagtapos ng tatlong buwan ay pipili ng tatlo sa amin at saka pa lamang tataas ang sweldo. Sana mapili ako. Pero baka hindi.

Una, babae ako. E panlalaking trabaho daw kasi yun.
Ikalawa, hindi ako CCNA. E pang CCNA (Cisco Certified Network Associate) yung trabaho.
Ikatlo, ayoko ng hayagang kumpetisyon. Walo kaming maglalaban laban. Labo.

Hay, wala ako sa sarili.

Ang sungit pa nung sa accounting department na nagpapaliwanag ng tungkol sa sweldo. Lahat puro without notification. Haha! Buti na lang tatlong buwan lang ako sa inyong mga lintik kayo.

Sana maging maayos ang lahat at sana ay nasa tamang direksyon ako.
Dec. 5, 2008 03:52 PM
May nadiskuber akong bagong website para sa mga taong salot sa lipunan. HAHAHAHA!

http://www.bestjobs.ph

At syempre kahit na nakipagkamay na ako at lahat ay nasa bahay pa rin ako at walang magawa kaya naisipan kong magregister. Matapos ang panandaliang pagreregister na sanay na sanay ko ng gawin ay pinindot ko ang link na nagsasabing job search. Inenter ko ang keyword na Fresh Graduate at
BENGA!
Sandamakmak na namang job oppurtunities para sa mga IT at ComSci graduates. Taragis! Oo na, wag mo ng ipamuka sakin na mali ang desisyon ko sa pagpili ng kurso sa kolehiyo.
Ayus lang nga sana kung hindi ko gusto yung field na yun pero ang problema 5th year na ako sa kursong ECE nung nadiskubre ko ang hilig ko sa programming at iba pang chorva na ukol sa IT.
Haha! Dahil yun sa subject namin na assembly language. HAHA! Grupo ng tatlong tao ang paggawa namin ng activity at ang grupo ko ang laging nauuna at ako ang gumagawa lagi ng program namin. Kadalasan ay 99 ang iskor namin dahil maguumpisa ang grado sa 100 pababa sa mga mahuhuli. HAHA! At pag may assignment sa subject na yun ay excited na excited akong gawin iyon. Masama nga ang loob ko nung nakakuha ako ng grade na 1.5 dahil lang sa nung final oral exam na isang question lang ang itatanong ay hindi ko nasagot kung saan magrereturn ang RET. Malay ko ba, basta nilalagay siya bago ang clear endp at start endp. Taragis na yan. Isang buong sem nang pamamayagpag ay babagsak lang sa isang tanong. HAHA!
Tagal namang tumawag ng Landbank. Mukhang nayari nila ako ha. Gusto ko ng magstart sa Monday para makasabay ko si Sonny. Hindi ko kilala si Sonny pero ang alam ko ay sa Lunes siya maguumpisa sa Landbank. Mas ayus sana kung may kasabay sa orientation. At isa pa kapangalan ni Sonny yung tatay ko. HAHA!
Dec. 4, 2008 03:24 PM
I arrived in Pedro Gil at 8:10. I am more than an hour early so I decided to have my breakfast at Mc Donalds. I ordered a hash brown and a cup of eight o clock (ang mahal na pala ng hash brown, 29, e keliit naman). I learned something while eating the hash brown, it tastes awful when eaten with a newly brushed teeth.

I was at the main lobby of Landbank at 8:40. Still so very early for the scheduled interview with the Department Head
of the Technology Department of Landbank which is at 9:30.

By 9:30 till 11:00, I waited at the lobby of the 16th floor. Good thing I have someone to talk to aside from the mamanggard. Fritz, he is also applying for the same position as mine. After some casual talk and a lot of waiting, we were allowed to go in.

He is the first one to be interviewed since he still has work in the afternoon.
While waiting for my turn, I felt
nervous because the department head is a female. And based on my observation, estrogen dominated bodies that are in position are always those who are fierce and authoritative.

Mr. Ricky accompanied me to her. She is exactly how I imagined her to be. I saw her offer her hand and so I offered my hand as well and we did something which I believe is called a handshake. Owemji, am I officially a professional. Sure it takes more than that to be one but I see it as a key to a whole lot of opportunities and a good professional relationship. Wow. Am I really saying these things? Who am I? Haha!

Anyways, we talked about me and my skills and my family and my personal life. Why are these people so interested with the story of my family? Probably because it has more drama than a telenovela. I saw her remove her glasses when we started talking about my family. Hehe! I never thought this situation of mine will be of help at my job interviews. So that I'd appear interesting and strong to be able to withstand all that. Ms. Cecille (the department head) is great. She made me feel comfortable and I like her eye shadow btw.

I think I am already hired coz she told Mr. Ricky "mukhang ok naman siya".

She told me that originally, Mr. Ricky wanted to hire male employees but I made him change his mind. She also said that I should take that as a challenge and that I shall prove that he made the right choice.

I will, I definitely will.
 

I choose Bavarian but later in the afternoon images of Mt. Makiling flashed on my mind. 'Tis the overlooking view at Chocobutternut. I mean really, who wouldn't want to start and end a day's work with the beautiful sight of Mt. Makiling. Its curvacious slope and the smoky white clouds kissing its peak. Ahhh... an instant release from stress.

I felt a bit dismayed, I remembered how that scenery made me smile after the series of caustic exams at Chocobutternut . It made me feel that I am heading the right track.

I really hope I did the right thing (choosing Bavarian).

I traded the Mt. Makiling Scenery and the casual work clothes for the whole "corporate world" feel. At least I did what I think would make me happy and I hope it eventually will. And if it does, i'll buy myself a mountain.