Malala na
Ang mga sakit na pilit kong tinitiis
pagmamahal na Sadya ko nang pinipigilan
ayoko nang masaktan, ayoko nang umulit
ang dala mo lang ay puro pait sa puso kong
pagod na at puno ng hinanakit.
Simula pa lang alam ko na
ang susunod nang pangyayaring ito
darating at darating na.
Pinilit ko paring hwag lumayo
sa pag aakalang yun ang ikabubuti ko.
Habang tumatagal ay lalo ko pang
nakalimutan ang iwan ka upang
ikaw ay hindi na makahalata pa.
Ako'y nahulog, nahulog at nahulog.
Sa pag aakalang handa kang sumalo,
Nang mahulog ako, bigla kang umiwas
ayokong magtanong, kasalanan ko to.
Ginawa ko nanaman ang hindi dapat.
Naging makasarili ako, yun ay dahil
pinaramdam mo, at tinamasa ko.
Ang kasaklapan ay wala paring tuldok,
naiwan sa ere ang kwento,
tila wala nang balak balikan pa.
[hindi ito ang wakas..]
Add Comment
Comments:
T-T ang lungkot pramis..


