tik tak tok
oras, panahon..bawat galaw lahat binibilang. mabilis nga ba ang panahon? o sa paningin naman ng iba, ang bagal-bagal at paulit-ulit lang? nasasayo kung hihintayin mo ang oras na agawin ang mga minuto ng buhay mo. paano mo ba masusulit? ikaw na tumitira dito sa mundo.at nabubuhay...TAYO.
san mo ba iginugugol ang ang panahon? sa pamilya? ows?...sa kaibigan o barkada?? sa bf/gf mo? OMG!.. basta kung sino kasama mo. at ikaw ang iisip kung paano mo magagawang makabuluhan ang buhay mo kasama sila. tingnan mo ang orasan.. e kung tititigan mo lang ba yan, e may mangyayari ba sayo? habang may buhay ka, isipin mong mahalaga ang bawat minuto. hindi ka lang dapat tumunganga at manghuli ng langaw sa pamamagitan lang ng pag nganga mo jan..Aba! hindi ka naman siguro lilipad kung pumasok man ang langaw sa bunganga mo diba? at lalong hindi mangyayari ang mga pinapangarap mo.
kung wala ka magawa. pumunta ka sa lugar na hindi mo alam. yung tipong maliligaw ka. pustahan tayo, madami kang magagawa. madami kang malalamang bagong daan. at mga pasikot-sikot. at higit sa lahat madami kang makikilalang tao. at paano makisalamuha sa mga ito. swerte mo isa ka sa kanila.swerte mo nabigyan ka ng oras. maraming-maraming oras.gawin mong malikha ang oras mo. maging masya ka, at paminsan-minsan..umiyak ka. kahit anong gingawa mo isipin mong ang oras ay bahagi ng buhay. wag mong labanan ang panahon. kasi hindi talaga siya nalalabanan. dahil pag lumipas ang panahon. hindi na yan babalik. tanggapin mo na lang ang mga nangyari sa bawat nakalipas..


