18 years old is the legal drinking age. Drink moderately.

February 7, 2010 - Wooh Moment Pt. 1

PAMMY: Lessgow CME!
PORKY:
Sa birthday ko. Pero 'di ko gagawin ng mismong birthday ko para maraming makapunta.
PAMMY: Oh shit!
PORKY: Why?
PAMMY: Waaah! Yung birthday mo nga pala is the Monday after Pagudpod. 'Di ako makakasama sa birthday mo... =(
PORKY: Oh well. You're not mine anymore. =(
PAMMY:
Wooooooh! I'm not anybody's.

9377
Comments (0) :: Piss A Comment! :: Permanent Link

February 4, 2010 - Welcome Back, Happy Kid

I'm happy that I'm GENERALLY happy right now. Heheh. IDK, minus physical tiredness and being broke with all the monthly payments of laptop and school, I think everything's going either well, just right or getting there. Weeee! Happy kid mode ON! ^__^

First stop, dun muna tayo sa class ko.

I just had my best Print Media class yet. Grabe. Muntik pa nga ako magbalak na hindi pumasok dahil 6 PM yung klase ko 'di ba, and walking from office to school is about 30 minutes kaya dapat saktong 5:30 nakaalis na ako. I wasn't really that productive in the office today, nanood lang ako ng Friday 13th ng morning, Facebook, Plurk in the afternoon. Did a fix for 2 bugs, yeah that's work for about 3 hours before 5:30. Tapos around 5:20 biglang sabi ng boss ko, "May papagawa nga pala ako sayo. Naku, ngayon ko lang naalala. Kailangan na pala yun bukas. Teka lang discuss ko sayo."

I was like, WATDAPUUUUUDGE??? Owmaygad, Lord is this really happening? I was already in a state of panic. PM'ed Rak on YM immediately para isumbong ang mga kaganapan. Dumating ang 6 PM wala pa rin, so lumapit na ako sa boss ko para tanungin kung ano ba yung papagawa niya at kung pwede bang bukas ko na lang ng umaga yun gawin. Ayun, discuss siya ng konti tapos takbo na ako sa school. Nakarating ako 6:40. Nagulat pa ako wala yung mga classmates ko sa room namin, yun pala sa ibang room kami. Iba kasi yung instructor for the day.

Buti na lang talaga pumasok ako. It was the best class I had so far. Super fun to say the least. Grabe talaga. The topic was about creative concept and our instructor was discussing about current ads, billboards, etc. and we were having a lot of fun mocking those, as our instructor describes them, hideous ads na "hindi ginamitan ng utak." Wooot! Hahahah!

And after that she showed us her collections of books while we were discussing the different eras of concept art and the history of graphic design. Grabe. Ito talaga yung mas grabe. I was totally like a little kid in a candy store as she was flipping through the pages of her books in front of the class. These are the books that I dream of having. Effin grrr! I was totally drooling. I didn't even mind sitting on top of my desk just to have a better view of those pages. Haiz. She even showed us an auth titulo ng lupa written in parchment paper using a quill, complete with all the wax stamp dating back to 1860's which she got from London. Maygad!

I was totally mesmerized with everything that I saw, especially that big book about the Russian Constructivism art (fianlly alam ko na tawag sa style na yun, hahah) which I totally adore kahit dati pa. Nakita ko pa lang nakapatong sa desk niya yun, nanlaki na yung mata ko. I really can't wait to see what's inside. I was even plotting an evil plan on how I will be able to borrow that from her, pero siyempre nahiya naman ako. Those books are so precious! Ang hirap hanapin ng mga ganun noh. Good luck talaga kung papahiram niya yun.

This is the book that I was drooling over kanina. Nakita ko pa lang yung title na may "Soviet" sa gilid nung book while they were stacked in her desk, super hyped na ako lalo.


Soviet equals same styles used in Obey shirts, whose designer was the same designer who made the famous Obama blue-red-white pic. Now I know what that style is really called, Russian Constructivism. Cool, huh? Click this for Google Images result of it. At kanina ko lang din naalala, dahil sinabi ni Miss Yodel Pe, our instructor, na same style din nga pala yung ginagamit ng Franz Ferdinand on their albums, posters etc., na isa sa mga early influences kung bakit ginusto ko mag-graphic design way back in high school. Those cool Franz Ferdinand and The Rapture vids, maygaaad!

Haiz. Drool galore talaga ako kanina. I was even doing mental blogging (oo, may ganun! hahah) on my way home. Hindi pa nga ako nag-mp3 dahil sa pagiisip dun, pero kamusta naman na 2 times pa rin ako muntik mabangga. Una ng taxi sa may Edsa Shrine at pangalawa nung naglalakad na ako sa loob ng subdivision namin pauwi ng bahay. Hahahah!

Bukod din sa pagiging uber mega happy ko sa class ko today, happy rin ako dun sa class ko nung last Thursday which was about doing book covers. Assignment namin for that class was to create a book cover for any book, pwede rin gumawa ng sarili book basta gumawa kami ng book cover, heheh. It was due on Tuesday and to think that it was given on Thursday, I should have had 4 days to do it pero kamusta naman na gumawa ako madaling araw ng Tuesday. Around 4 AM na ako natapos, eh dapat gumising ako ng 6:30 para makarating sa office ng 8:30 para makapag-out ng 5:30. For unknown reasons, hindi ako nagising sa tamang oras. Yung alarm clock ng fone ko is set na tumunog every weekday at 6:15 and 6:30 pero bakit parang hindi siya tumunog. Ang gumising sakin yung katulong namin, at anong oras na yun? 8:30. Hahahah! Tapos nakalabas ako ng bahay aroung 9 na, sobrang traffic pa. Sobrang haba na ng pila ng FX pa-Ayala at wala ring taxi. Around 9:30 nagdecide ako na maghahalfday na lang ako, papasok ako ng 1:30 to 5:30 so I texted Porky and told him that I'm going to Ortigas instead of Makati. Ayun. Sinamahan ko siya magpa-GCash sa Megamall, was supposed to have lunch together lang pero nauwi sa paguwi niya ng Fairview na kasama ako. Wow 'di ba? Tinamad na rin kasi talaga ako pumasok. Hahahah! And that's a big chunk of my shopping money gone. Wala pa akong leave eh, so absent yun. And besides, I haven't been to their house ever since he got his new job at lagi na akong hinahanap ng nanay at lola niya sa kaniya, kaya pumunta na rin ako.

Just ate lunch there, stayed a few minutes to watch him play Dota and some bonding moments at our favorite spot in their house, his parents' bedroom. Hahaha! Around 3 PM umalis na ako para pumasok sa school. A super long ride from Fairview to Makati, which costs 61 pesos, my goodness! So from 3 to 5 I was in that goddamn bus. Aaaack!

When I got to school, ayun. Nag-pay off naman yung puyat dahil super praise yung instructor at yung classmates ko sa napakasimpleng gawa ko. Hahahah! Maybe they were just not expecting it from me since all my previous assignments were crap dahil hindi ko masyado napaguubusan ng oras. Heheheh. Simple lang pero after sabihin ng mga classmates ko na maganda yung gawa ko, sabi ng instructor ko, "Ayan ang aim ng book cover design, yung dapat magii-standout yung book kapag nasa shelf." Wooot! Ayiiiiiiiii. At ito yun.


Tignan mo nga. Nadala lang siguro talaga ng magandang stock photo na nakuha ko. Pero sabi rin ng instructor ko na ikinagulat ko, "Okay yung brush ng leaves ah, usually kasi kapag ginagamitan ng brush nagiging baduy pero yung sayo nag-blend in naman." Wooot! Actually wala lang talaga ako maisip na ibang ilagay, kaya ginamit ko yung stock brush na leaves dun sa Photoshop, bagay naman sa title na Falling Leaves eh. Hahahah!

On other news. Lablayp naman tayo. Ayiiiii. =P

Easy going mode na naman ang aking lablayp. Less worries, less stress, less brain cells burned. Heheh. As I said, ayoko na talaga masyado dibdibin pa ang mga tungkol sa bagay na yan, hindi yan ngayon ang priority ko sa kakaunting brain cells na meron ako.

Last Sunday, Porky and I was supposed to go to Intolerant's video shoot. Nagtawag kasi sila ng mga fans na gusto makisali sa mosh pit para sa shinu-shoot nilang vid. Since sa napakalapit lang naman na Shaw yun, niyaya ko kaagad si Porky. Game sana siya kaso may sports fest yung office nila nun, at super mega required silang lahat na magparticipate. Dapat maghahalf day lang siya dun, 2 PM kasi yung shoot, pero hindi siya nakapaghalf day dahil hapon na ginawa yung basketball. Natapos siya dun past 2 na.

Pagdating niya ng Megamall nagulat ako, naka-conio clothes ba naman! Super light blue and white striped tee and a light bluish gray shorts. Sabi ko, "WTF?!? Pupunta ka ng Intolerant shoot ng ganiyan suot mo? Asan na black tee mo?" And to my surprise ang sagot niya, "Black tee? Bakit kailangan ng black?" Ayun. Hindi ko pala siya nasabihan na required sa vid shoot na naka-black tee. Hahahah! Ayun. Ayaw naman niya bumili ng black dahil sabi niya marami na daw siyang black tee sa bahay nila, sayang naman daw pera. Ayun.

We ended up spending 100 pesos singing karaoke at Timezone then the also planned movie, and guess what movie was it. PAANO NA KAYA? Hahahah! We are solid Kimerald fans eh, sorry na. Hahahah!

Tapos pagdating ko ng office the next morning, I immediately saw 3 behind the scene vids of the Intolerant shoot posted on their Facebook account. Ayun. Super lalo mega grabe nanghinayang ako. Bakit? Sa sobrang konti ng pumunta, napaka-impossible na hindi ka makita sa vid na yun kapag sumama ka. Paksyet. Hahahah! When Porky saw the vids, napa-Tweet na lang siya ng "Minsan na lang makakasama sa music vid, sayang talaga!" Hahahah! Kung pinambili na lang namin ng mumurahing balck tee yung ginastos namin sa Timezone eh 'di sana na-experience namin na makasama sa isang music vid for the price of an effin black shirt. Eh kaso maspinili niya na mag-Timezone na lang daw kami eh. Yung Kimerald movie, manonood talaga kami nun no matter what. Hahahah! Anyhoo. You can check na behind the scene vids on Intolerant's Myspace account as linked above.

Another happy update about Porky. As I said, nag-sports fest sila last Sunday 'di ba? Siyempre may mga nagtag sa kaniya ng mga pics sa Facebook. I was a bunch of pics na silang dalawa lang nung manliligaw niya. Hindi naman ako impokrita, I was affected about it. Got a bit emo. Pero I'm happy. Why? Hindi na ako katulad ng dati na super mega emo when I see stuff like that. Oo may pain, oo nakakalungkot pa rin, oo affected ako, nainis pa nga ako sa sarili ko kasi affected much ako after I saw the pics, pero nung naisip ko na nag-improve na nga ako compared before na iiyakan ko pa yun, emo ako ng ilang araw, mega mukmok ako, nung naisip ko yung mga yun parang mas maging naging mabilis nung pag-gaan ng pakiramdam. Kinabukasan lang ok na ako eh. Tinulog ko lang. Hindi ko rin naman iniyakan. Improving na talaga! Weeeee! ^__^

Isa pang happy update, this time about Sherwyn.

Kahit paano naguusap na kami ulit. And a few days ago habang kachat niya yung parang "head" ng band nila about their possible disbanding ni-PM na niya kaagad ako about it. And as always, I sucked at cheering up a friend who needs it. Wow me. Pero mukang hindi naman din niya ata kailangan eh. Tapos now I'm helping him look for their album on record bars, ipapa-frame na daw niya eh. Hahah! Adik yun. Walang sariling copy ng album nila, amps. Wow ah. Hahahah! Pati yung issue ng Pulp Magazine where they were featured, nung last na nagkita kami, yung bago siya hindi nagtext at nag-pm ng matagal, hinahanap namin yun sa Rob Gale, ngayon mukang mastitindihan na ang paghahanap. Hahahah! Yung album nila meron pa sa Music1 sa GB4, bibilin ko na bukas. So yung Pulp na lang. If ever you know anyone or any place that sells back issues of Pulp paki sabi naman oh, we need the February 2009 issue. The one with the Basti Artadi cover on one side and Jett Pangan on the other. Heheheh.

So ayun. Happy updates coming from a happy kid. Woot! Matutulog na ako, maaga pa ako papasok bukas para gawin yung trabahong hindi ko ginawa kanina para makapasok sa school. Heheheh.

9270
Comments (1) :: Piss A Comment! :: Permanent Link

February 3, 2010 - Tuwa

Masaya ngayon sa office namin. Sobrang saya. Mega tuwa.

Nakalipat na kami ng floor, this week andito na kami sa same floor ng mga big boss ng office namin. Dahil hindi pa naayos yung mga dapat ayusin, lahat ng mga dev ngayon nasa isang malaking conference room, at nakapatong sa malakit table yung mga pc namin. Muka kaming com shop, heheh.

Tuwa. Tuwa dahil dati nagaagawan kami sa pwesto na malayo sa pinto ng confe room para kapag binuksan hindi kita kaagad yung pagfe-Facebook at kung ano pa mang non-work related shit. Natuwa na nga ako hindi ako sa bungad napunta eh. Pero masmasaklap pa pala yun.

Sa likod ko lang nakapwesto yung CEO. Wow 'di ba? Good bye Plurk, good bye Facebook and good bye blogging. Well, office hours. Heheheh.


Comments (3) :: Piss A Comment! :: Permanent Link

January 31, 2010 - Hello Diabetes?

It's almost midnight. In a few minutes it will be Monday already, aaack. I'm supposed to be doing either my assignment or my pending layout for a client right now, but what am I doing? Blogging. Hahahah! Well, I was doing the layout before I started blogging.

Ganito kasi yan. Habang nagle-layout ako nakaramdam ako ng gutom. Nakakita ako ng cake sa ref namin. bago ko makuha yung kahon ng cake kailangan ko muna ilabas sa ref yung mga lalagyan ng left over ulamsSsSs na nakapatong sa box ng cake. Nung nakita ko yung left over broccoli and cauliflower in butter, napaisip ako bigla. Pinagpalit ko tuloy yung super tempting cake sa veggies. Naalala ko kasi bigla yung pinabasa sa akin na article ng friend ko about blood sugar. Ito oh, tungkol sa diabetes.

Nagpost kasi ako nun ng "pampagising = banana cappuccino + maraming maraming sugar = hello diabetes" tapos sabi niya nakaka-antok daw lalo ang sugar. Then she posted that link.

Check this out. This is one of the stated signs that you should have you're blood sugar tested for diabetes:

You have symptoms of high blood sugar (hyperglycemia),which include sleepiness, blurry vision, frequent urination and excessive thirst

Isang malaking WATDAPUDGE MEHN?!?!?

Sleepiness, check! I thought I was just tired or in siesta mode after eating lunch. Kaya ba lagi ako inaantok ngayon sa office?

Blurry vision, check! I've been wearing my glasses again for some time now kasi feeling ko lumabo yung mata ko. I even thought my astigmatism is getting worst because I didn't wear my "supposed" corrective glasses for months.

Frequent urination, check! Na ipinagtataka ko dahil yung....

Excessive thirst, hmmmm... I don't think so. Hindi nga ako halos umiinom ngayon as compared to when I learned that I'm already urinating portions of my kidney's protein because of UTI.

All that started when I got addicted to coffee -- 7Eleven coffee! Which Pepoy said was uber grabe sa tamis kaya nung tinry niya eh hindi na niya ata siya umulit.

Okay fine. Panibagong dagdag na naman sa listahan ng kasama sa Life Management Course. Lessen sugar intake. @_@

9150
Comments (0) :: Piss A Comment! :: Permanent Link

January 28, 2010 - Sorry Naman

Dahil naghahanap na kayo.. Hahahah! Eto, update sa lablayp... Alam ko naman na yung mga nagbabasa ng blog ko karamihan yun lang naman talaga yung hinihintay, mapa-"fan" o hater. Woot! Ayan, now I felt obliged to always update on that. Heheh.

Actually. Hindi ako naguupdate ng blog about my love life kasi wala naman talagang update. Pero just for the sake of updating, sige pipigain ko yung utak ko para jan.

Matapos ang huling pag-atake ng over thinking, over reacting at over analyzing, naisip kong ayoko na lang muna pagaksayahan masyado ng brain cells yung bagay na yan. Busy na rin naman ako sa work, sa school, sa layout at sa pagbabasa ng mga bagong discover kong blogs. And besides, kapag iniisip ko pa kasi inaatake lang ako ng over thinking, which most of the time result to undesirable shit.

Kami ni Porky ngayon naguusup pa rin. Still see each other once a week if we can. Ang napansin ko lang less texting na. May bago na rin kasi siyang katext eh, yung nanliligaw sa kaniya sa office nila. Yup, nanliligaw sa kaniya. She buys him food, gave him a pillow she named "Meg" and recently gave him a big pack of chocolate cookies along with a Folded and Hung long sleeve shirt that looks so gay, no exaggeration. And yeah, the shirt smells like she poured the whole bottle of her perfume on it. Wahahah!

He said dati nirereplyan pa niya palagi yun pero nung biglang naging clingy kahit hindi naman sila, sabi niya hindi na niya masyado kinakausap. He even show me her texts, parang nagmamakaawa nga na replyan siya. Ahahah! May isa pang text na parang, "Bakit ayaw mo na ako replyan? Akala ko pa naman close tayo. Kapag tinatanong ko kung kamusta na si Meg hindi mo ako sinasagot." Woot! And BTW she's kinda old already, if I'm not mistaken she's already in her early 30's or late 20's.

Reaksyon ko? Even before he was still texting her a lot, ako parang "oook". Ayoko na talaga pagaksayahan pa ng utak. Oo may pain pero ganun talaga. Pero hindi ko na pinagaksayahan pa isipin ng matindi o mag paka emo or anything.

Si Sherwyn naman, hmmmm. Ayun. My friends know that I had over thinking attacks when he suddenly stopped texting me. Ahahah! Pero ayun, nakapagusap na naman. Sabi niya sa tingin daw niya kasi hindi pa daw talaga kami tapos ni Porky kaya ayaw na lang daw muna niya makigulo. Since then, we rarely talk. Namiss ko na nga eh. Pero ayoko na lang din mag-over think. Ayoko naaaaa! Gumugulo lang eh. Hahahah! Ayan. Ayan na yung details nung number 6 dito sa post na ito. =P

Actually, yung relationship namin ngayon ni Porky para na kaming mag super best friends. Siya pa nga yung nakapagbigay ng malulupit na words of wisdom nung time na over think mode ako nung hindi ko pa alam kung bakit biglang hindi na nagtetext si She. Mukang mas ok nga talaga na ganito lang kami. Mas harmonious, hahah!

Hmmm.. Updates.. Updates.. Wala na akong maisip na iba pang updates eh. Ayoko na rin talaga masyado magisip masyado tungkol jan, lalo lang lumalala migraine ko. Hahah!

9018
Comments (4) :: Piss A Comment! :: Permanent Link

January 27, 2010 - All That Caffeine...

...Went down the drain. Well, mas okay ata kung down the toilet na lang heheh.

Haiz. Sakit sa bangs, mehn! I knew I promised myself not to take coffee for one week pero hindi ko kinaya. Bakit? Dahil ang sakit sa bangs ng tasks ko ngayon. At anong papel ng coffee sa task ko? Combo ng motivation/reward, pampagising at ang added bonus na exercise.

Motivation/reward dahil kapag may progress ako sa task ko binigyan ko ang sarili ko ng kape. Hahahah!

Pampagising dahil tuwing after lunch eh sobrang inaantok ako at umaabot yung antok na yun hanggang uwian. Kaya ayun, kapag feeling ko mabait akong bata at may nagawa ako sa task ko bumababa ako ng 3 para bumili ng kape sa 7-Eleven.

Exercise. Kailangan na kailangan ko yan kaya kahit pwede naman ako bumili na lang ng isang kahon ng instant coffee sa grocery para na rin makatipid at hindi na maglakad papunta ng malayong 7-Eleven eh mas pinipili ko pa rin na maglakad. Heheheh. Mabubuhayan pa lalo yung dugo ko, masmakakapagtrabaho ako.

At bakit nga pala all that caffeine intake went down the drain? Dahil yung pinagubusan ko ng utak niton mga nakaraang araw eh mababaliwa lang lahat dahil aabutin ng sampung taon yung utak ko kung ipipilit ko yung naging approach ko dun sa task ko. Sa huli, yung shortcut at daya rin naman pala yung gagawin at gagamitin. Wow. Sakit sa bangs. Pero ok lang, dami naman na din ako natutunan na hopefully eh magagamit ko sa ibang magiging task ko dito sa office. Na by the way eh madadagdagan nga pala dahil sa isang iglap eh bigla na lang naging deadline ng lahat ng project dito sa office.

Oh well, matabang bilbil. Work mode!

8997
Comments (1) :: Piss A Comment! :: Permanent Link

January 25, 2010 - Layout Service! Layout Kayo Jaaaaan!

I rarely open Neon Ramen's Multiply account, hindi ko alam na may mga nagmessage na pala sa akin asking about the layout service that I offer. Sigh to the highest level.

IDK. For some reasons, I think tinatamad ako gumawa ng layouts ngayon. Yung layout nga nitong blog ko ilang billion years ko na bang sinabing papalitan ko na, awa ni Bro nakikita niyo pa rin yung mukang baklang umiihi sa header hanggang ngayon.

Last week, yung pinaka-una kong naging client on layouting, Highstyle Fancy, sent me an email, site revamp. Hindi ko naman natanggihan dahil may utang pa akong napakaraming revisions sa site niya. Ayon. Pero ok na rin naman na gumawa ako ulit ng kahit isang layout. Then after, isa-isa gagawa ako ulit. Dagdag pambayad sa laptop. Hahahah!

Dagdag na rin sa Life Management course ang Dota, at layout service ngayon. Lord, kaya ko 'to alam ko.

8949
Comments (0) :: Piss A Comment! :: Permanent Link

January 24, 2010 - At Long Last, New Laptop

First blog entry using my new laptop. Weeee! I'm still not used to it's keyboard, my pinky always hitting Caps Lock instead of "a", enter or up instead of shift, Fn instead of ctrl and so on. Ahahah!

I got myself an MSI EX460 yesterday at MSI Cyberzone Megamall for 35k. That's 3k for 12 months. Wow. My sisters, who are Dota addicts, saw this more than a week ago, super mega endorsed it to me when they got home and was super pushing me to buy ASAP. Wow them.

Kahapon habang masaya akong nakahilata sa kama ko sabi ni Kaksie, one of the twins na kapatid ko, "Hoy Tipo! Bumili ka na nga ng laptop mo ngayon! Ako na mismo magsasabi kay Ma ngayon. Papayag naman yun pumunta ng Megamall, naiinip siya ngayon." Sabay punta kay Ma na nanonood ng TV sa first floor.

A few minutes after, my mom is scolding me for still not getting dressed up, not yet eating lunch. Ang tagal ko daw, hindi daw tuloy kami makaalis papuntang Megamall, ako na lang daw hinihintay. HUWAAAT???

I really thought I was going to Ever Gotesco with Kaksie and Yay as planned before Kaksie told me about the laptop thingy. And since Yay was still not done hanging the newly washed clothes, hindi ako nagmadali na kumain at maligo.

Deym.

Everyone decided that I'll get a new laptop without me knowing.

Naghihintay na nga lang ako na makahanap kami nila Ykai ng 2 bedroom apartment, at nakapagdecide na ako na kapag natagalan na maghanap tsaka lang ako bibili ng laptop at hindi na itutuloy ang pag-move out. Pero dahil alam kong magkakagulo lang sa bahay kapag nakipagtalo pa ako sa hindi ko pagbili ng laptop, ayun. Wala na akong nagawa. Ako na rin naman ng gulo. Pa-good shot mode pa naman ako sa nanay ko.

So there. Hello new laptop. Good bye move out, for now.

I'm naming her Missy. MSI. Missy. Yun na yun. And here's Missy's pic and specs.




The net said Missy's a gaming laptop. Hmmm. Grad ako ng IT pero nosebleed ako pagdating sa mga specs shit. But being overly endorsed by my gamer sisters, well, malamang ganun talaga. Yung twins pa nga yung uber excited when I opened the box when we got home. Kaagad, DOTA! Set kaagad ng settings sa pinakamataas, nagstart ng game, naglaro saglit bago sila umalis papuntang Tagaytay.

And speaking of Dota. Instead of doing my assignment for my Print Media class, I studied Dota and played until 4:30 AM. Watdapudge???

Since I kinda think it being plain black looks really boring, to think that I used to want a PURPLE Dell Inspirion 14, I'll be saving up to have Missy pimped either thru GMask or the laptop skin stall in Cyberzone Megall, Gecko something. I effin want those cool textured robot skins!

Plus! I want a Hellolulu laptop bag, the one with a velvet lining. Dammit. But I like this tote better 'coz it doesn't look so laptop-py, hindi mainit sa mata ng magnanakaw. But I love this one because bukod sa hindi siya laptop-py, it's super flat! MRT friendly! Kapag tinatamad pa ako bitbitin pwede ko isaksak na lang sa loob ng backpack at backpack na lang dadalhin ko. Ahahah! Tinignan ko kanina yan sa Megamall, 1700. Woah! But the laptop backpack in Halo is only 1300, tempting. Wooot! <-- Pinagaksayahan ko pa ng effort isulat, kailan naman kaya ako magkakapambili ng bag? Hahahah!

8939
Comments (0) :: Piss A Comment! :: Permanent Link

January 19, 2010 - Here We Go!

Weeee! Eto na! In less than an hour out na ko ng office. Magsisimula na akong maglakad papuntang FirstAcad para sa unang araw ng klase. ^___^

Lakad? Oo. Lalakad nga ako. Bakit? Kasi nga 20 minutes ang happy flow ng pagji-jeep papunta dun, so paano kung traffic? Hindi pa kasama sa 20 minutes na yun yung paglalakad ko mula office hanggang RCBC para sumakay ng jeep sa Buendia. So last night I decided to try walking from my office to FirstAcad. Ayun. Happy flow, 30 minutes. Pero siyempre, iba naman yung lakad sa jeep 'di ba? Ang jeep nata-traffic ng bonggang bongga plus pumapasada pa. Masakto ka pa na buwaya yung manong driver, tapos maisip pa niyang magpa-gas? Hahahah! At napakaraming stop light sa Buendia mula RCBC hanggang kanto ng Paseo. Kaya ayun, walkathon! At ito yun! Pagpasensyahan na, minadali lang yan sa paint!



Green Circle's my office, red circle's FirstAcad's building, blue crooked line's the lakad+jeep route, and the purple crooked line's the 30-minute walk route. Woot!

Ayun. I'm crossing my fingers that in a few weeks time I won't be using Corel Photo-paint 12 anymore. Wahahah!

8781
Comments (0) :: Piss A Comment! :: Permanent Link

January 18, 2010 - Kidnap!

"Dapat yung title ng blog mo kidnap, wala ng iba, kidnap lang." - Justin

Bandang 1AM ng madaling araw ng Sunday bigla na lang tumawag si Rocky sakin. Kasama daw niya si Justin, pupunta daw sila ng bahay namin. Wow! Isang malaking W-O-W! Nung una pinipilit pa nila ako sumama sa "roadtrip" nila, anjan pa yung mga "Papayag ka ba na kami masaya tapos ikaw ang lungkot mo jan sa bahay niyo," ni Justin. Sabi ko lalabas lang ako pero hindi ako sasama kung saan man sila pupunta.

2AM humiga na ako sa kama. Nung tumawag sila ng 1 sabi nila malapit na daw sila, 2 na wala pa kaya naisip ko joke lang nila na pupunta sila. Nakapikit na ako eh, sabay biglang nagring yung phone ko, anjan na daw sila. Pagsilip ko sa bintana nakita ko si Rock, Just, Bry at si JV. Buti na lang wala parents ko sa bahay at nasa bahay namin sa Tagaytay, pero may mga kasama pa akong kapatid at yung katulong namin.

Paglabas ko, na- Justin+Rocky combo kaagad ako ng pangungunsensya para sumama ako. Taenang yan. Kay Justin pa lang 'di na talaga ako nakakapalag idagdag mo pa si Rock. Ayun. Nagpalit lang ako ng t-shirt, nilock yung gate namin, sakay kay Basha sa kundisyon na malapit lang dapat para makabalik ako kaagad.

Magkakape lang daw kami. Magkakape sa.... TAGAYTAY!

Malapit naman nga eh, malapit sa bahay namin sa Tagaytay. Hahahah! Hindi na lang ako nakapalag eh. Nung nagdecide kung saan kami, 4 sila Tagaytay daw tapos magisa lang ako na ayaw. Ayun. Hahahah!

Pagdating ng Tagaytay, goto. Gotong ang tagal hinintay yun pala hindi nakuha yung order namin. Hahah!


Bry sa gotohan.


Ako, Rocky, Justin at JV.

After ng goto, hanap lang ng overlooking na spot, bili ng Tanduay Ice, tambay hanggang sumikat ang araw.


Sa gilid ng hi-way, overlooking. Overlooking sa fog. Hahah.


J-Roy, sa likod ni Basha.

Kamusta naman na buong stay namin sa Tagaytay nangangatog ako. Ang nipis lang kasi ng t-shirt ko, slightly of shoulder pa tapos eto malupit, naka-pokpok shorts lang ako! Eh yung gotohan at kung saan kami uminom parehong gilid lang ng hi-way, tuwing may dumadaang sasakyan may malakas na hangin, samahan mo pa na umaambon nun. Wow!

Nakauwi ako ng bahay 8AM na. Ayun. Nung nalaman ng nanay ko mega sermon. Dala ko kasi yung susi ng bahay eh, nasabihan pa ako ng "Paano kung nag-earthquake, paano makakakalabas yung mga tao sa bahay nasa iyo yung susi?" WOOOT! Bukod jan marami pa, di ko na lang diditalyehin dito. Bottom line, naghahanap na ako ngayon ng lilipatan. Hahahah!

Anyhoo. Saya! My first roadtrip experience. Combohan mo pa ng first experience ko ng pagtakas sa bahay ng madaling araw. ^_____^

8740
Comments (7) :: Piss A Comment! :: Permanent Link

<- Last Page :: Next Page ->

About Me

Ordinary events in amplified commentaries. What's fascinating in my life anyway?

Fooled From Jan-01-09 00:00

Click here for a free hit counter
FREE HIT COUNTER

CHAT LANG!

PLURK! PLURK!