18 years old is the legal drinking age. Drink moderately.
Oct. 12, 2009 04:08 AM, posted by khai


wala kasi akong magawa maghapon kaya naisipan kong magluto..natulog kasi si jay,eh wala naman ako makausap kaya sumipag ako magluto hahaha... la lang share lang :D
Oct. 10, 2009 10:21 PM, posted by khai
i dnt want to post this really..its just that gusto kong i-open sa kanya lahat ng nasa isip ko at nararamdaman ko..and i think nasabi ko naman sa knya yung mga yun..pero i have this feeling na parang may nagbago na sa aming dalawa..my intuition tells me na may problema sa aming dalawa..is it really a crime na maging too paranoid sa mga bagay na kinatatakutan mong mangyari?i think normal lang sa babae yun lalo na kung meron siyang relasyon na long distance relationship.

how would i describe my relationship kay jay?

masasabi kong napaka swerte ko kasi mahal nya ako.alam kong mahal nya ako.and i think pinaka the best sa relationship namin is even though im 2 yrs older than him,we have this "give and take relationship" na madalas nagpe-fail sa mga relationships..Im proud to be his girlfriend,yun ung laging nasa utak ko..kasi si jay yung tipo na,gagawin nya lahat maging masaya lng yung mahal nya.and i think on that thought,kahit na anong mangyari hindi ako malulungkot or di ako iiyak.

nitong mga huling araw,ang daming nangyari na sobrang nag expect kami..and dahil dun,sobra kaming na disappoint.we wanted something na magkakaron ng special bond sa aming dalawa..and to our dismay,hindi nangyari yun..when we confirmed na wala yung ineexpect namin,i know na sobrang nakakadisappoint yun pero niyakap nya ako and said it was ok..

pagkauwi ko dito galing sa kanila,mula nung araw na un hanggang ngaung araw na to,napansin kong parang may nag iba sa relasyon namin naewan ko kung sobrang paranoid lang talaga ako o ano..parang nagkakaron ng coldness sa relasyon namin..sabi nya wag daw ako mag isip isip ng kung ano-ano dahil di naman daw mangyayari na iiwan nya ako or magsasawa siya sa akin..may tiwala ako sa kanya,may twala din ako sa kanya na hindi nya ako iiwan,pero nangangamba lang talaga ako sa sudden coldness sa relasyon namin.

nanatakot talaga ako mawala siya sa akin *sad*


*latest pix*




:(
Oct. 2, 2009 01:58 PM, posted by khai
Nagising ako kanina sa ring tone ng cp ko and nakita kong tumatawag yung mahal ko,i don't know if sasagutin ko yun or hindi kasi  hindi ko pa din alam kung ano sasabihin ko sa kanya.kagabi,sobrang sama ng loob ko kasi di ako pinayagang umalis dahil may bagyo daw kasi.Maayos ung plano na  magkikita kami ngayon ni jay,kasi bday din ng kapatid ko.At sa mga nakakakilala sa akin personally,alam nyo kung gaano ako ka-disappointed,frustrated and depressed ngaun..all emotions were mixing up.Ayaw ko kasing nagpplano then hindi matutuloy.Nung nagpaalam ulit ako ng maayos kagabi,hindi ako pinayagan dahil nga daw may bagyo.Kumakain ako nun ng hapunan and nung narinig ko yun bigla akong nahirapang makalunok ng pagkain,and alam ko that tym kung di ko napigilan iiyak ako sa harap ng pagkain.I know it sounds really overreact pero ganito talaga ako pag nagpplano ako ng di natutuloy.Nung sinabi ko kay jay na di kami matutuloy alam kong madidisappoint sya.Sino naman kasing hindi madidisappoint sa ganun,we we're both expecting na magiging maayos yung mangyayari kasi planado na tapos ganito hndi matutuloy.Nung sinabi ko yun sa kanya,he said its ok,im not sure kung ano mga nasa isip nya.kahit magkausap kami  sobrang tahimik nya,tinanong ko siya kung ano iniisip nya pero sabi nya wala daw.

Ang daming tanong sa isip ko kagabi na pag inisa isa ko di ko mapigilang di umiyak.Di ko alam kung san or knino masama loob ko.Pero sobrang disappointed ako ngaun sa sarili ko at sa nangyayari.Ngaung lunch,kahit wala akong gana pinilit ko na lng kumain,kaso hirap pa din ako lumunok.

Gusto kong intindihin yung pag aalala ni tito,kasi kakatapos nga lang yung Ondoy and hindi talaga biro yung nangyari nung bagyong yun.

Naiintindihan ko si jay dahil alam ko kung gano siya kasaya na magkikita kami,na magkakasama kami.Alam ko yung nararamdaman nya ngaun.Dahil doble pa sa nararamdaman nya yung nararamdaman ko ngaun.

And then,napatunayan ko na nakakadisappoint talaga ako. :(
Jul. 6, 2009 05:57 PM, posted by khai
actually hanggang ngaun di ko alam kung pano ikukwento,its my birthday today and these past few days sobrang saya ko lalo na nung saturday and yesterday. gusto ko sana ikwento every details,kaso iiklian ko na lng..im too much overwhelmed.

nung nagkita kami nung saturday,i was wearing shirt and jeans,sa shoes..naka 4 inhes heels ako..ahaha..kumain kami then nagpunta sa imus para makita daw ni jay ung house namin dun..nakilala nya din mga kababata ko dun..as expected na-interview siya ng mga kaibigan ko..

mga past 5 or 6 na ng nakabalik kami sa sm dasma kumain na lng let kami ng fries at float then at 7:15pm nanood kami ng transformers II..man! the movie was awesome..hehe..cute ni bumblebee umiyak.. :)

mga nasa 10 na ata natapos,umuwi na kami sa kanila..sakit ng paa ko..hehe..


sa bahay nila third kami pinatulog ng mama ni jay..dahil sa sakit ng paa ko gusto ko na lang mahiga haha..habang nakahiga ako,minamasahe ni jay yung paa ko..as usual umandar na naman imagination ko na what if kami na talaga at naging mag asawa kami..pag galing kaya ako sa work at pagod na pagod ung paa ko,mamasahehin nya din kaya kagaya ng ginagawa nya nung oras na un? hehehe..ang sweet at ang sarap lang sa pakiramdam..

maya maya naglabas na ng folding bed ung mama ni third,dun na lng daw matulog si jay,pero same room din..malapit sa kama na tutulugan ko..gusto ko sana tabi kami..hehe...

pero mga madaling araw..nararamdaman ko siya..kung hindi nya ako niyayakap,kinikiss nya ako sa buong mukha ko..or hahawakan ung kamay ko tapos yayakapin ako ulit.ang sarap lang sa pakiramdam ng ganun siya. :)

hanggang sa nagising ako maya-maya sa ilaw ng fone nya,pinipiktyuran ako..haha..oh well,natupad ung isang wish ko na sana pag gising ko siya ang unang makikita ko..

mga 10am na ata nun or mga 11am nung umalis kami sa kanila,tapos kumain na lng ulit kami sa sm..mga 2pm na ako nag aya umuwi para makapagpahinga na din siya..ayaw ko sanang umuwi kaso,di nga siya ganong nakatulog nung araw na un..sulit naman kahit papano ung pagsasama namin.. ng dalawang araw na un :)

****may mga part dito sa post ko na sadyang di ko nilagay..BUT IT WAS ONE OF THE MOST HAPPIEST PART NA NANGYARI SA  BUHAY KO..i dont know..but when i think of it,nag iinit yung pakiramdam ko at gusto kong umiyak tambling sa tuwa..****


TO MICHAEL JAY AMBAT:
MAHAL KITA hindi KAILANGAN KITA..MAHAL KITA dahil yun ang nararamdaman ko..
MAHAL KITA dahil sayo lang tumitibok ang puso ko ng ganito.
MAHAL KITA dahil napapangiti ako kapag naiisip kita
MAHAL KITA dahil pinaparamdam mo na mahal mo ako kahit di mo sabihin
MAHAL KITA dahil gusto mong makipagpalit ng sapatos sa akin dahil 4 inches ang heels ko..at mas gusto mo na ikaw ang mahirapan kesa ako ***cute..hahaha***
MAHAL KITA dahil nakakaaning ka kasama sa kwarto..hahaha..
MAHAL KITA dahil ang cute mo tignan pag nangungulit ka.. :)
MAHAL KITA kasi kahit di mo sabihin na gusto mo yung kiss ko, nararamdaman ko kasi lagi mo ako kini-kiss :)
MAHAL KITA kasi narealized ko na ang nagiging sexy ako pag kasama kita ***lols***
MAHAL KITA kasi isang tingin ko lang sayo naiinlove na ako


...........


MAHAL KITA dahil ayaw na kitang pakawalan pa.
MAHAL KITA dahil ayoko ng bumitaw pa sayo.
MAHAL KITA dahil gusto ko ikaw na ang makasama ko hanggang sa huli..
MAHAL KITA at sana ikaw na talaga.
MAHAL KITA at di ko na mabibilang yung iba pang reasons para mahalin ka..or reasons bang matatawag yun..


MAHAL KITA. MAHAL KITA. MAHAL KITA.



Jun. 24, 2009 11:32 PM, posted by khai
na-touch lang ako at nagulat.
kasi kanina sa ym,magkausap kami ni jay,at nag-iisip ako ng song para sa amin.

pinarinig ko sa kanya yung FALLIN ni JANNO GIBBS..un na lang daw then he mentioned the koreanovela FULL HOUSE..favorite ko yun haha.

maya maya,nung MORE THAN YOU'LL EVER KNOW na pinapakinggan ko..

khai buenviaje: i love u baby ko
jay ambat: i love u too
jay ambat: at papakasalan kita balang araw
khai buenviaje: ngaun palang feeling ko nagppropose ka na
jay ambat: haha
khai buenviaje: naiiyak tuloy ako 
jay ambat: balang araw p un
jay ambat: dpa nmn ngaun^^

haha.na-touch lang ako..